Pamamanhikan
Dear Dr. Love,
May problema po ako ngayon hinggil sa napagkasunduan naming pagpapaÂkasal ng aking nobyong si Fred. Ang hindi ko po maunawaan sa kanya ay kung bakit ayaw niyang mamanhikan sa parents ko kasama ang mga magulang niya para sa pormal na pagtatakda ng kasalan.
Isang magandang tradisyon na hanggang ngayon ay sinusunod pa ng aming pamilya ay ang pormal na pagkikilala ng magiging magbalae sa pamamanhikan sa pormal na pagsasabi ng nobyo na hinihingi niya ang kamay ng anak ng mga magulang na kinakausap niya.
Nang ipagtapat ko sa aking parents na nagkasundo na kaming magpakasal ng boyfriend ko, tinanong ako kung kailan ang pamamanhikan? Hindi kaagad ako nakasagot. Nagpahiwatig ang tatay ko na hindi siya dadalo sa aming kasal kung hindi kami susunod sa tradisyong pamamanhikan.
Nais daw naman niyang pormal na makilala muna ang kanyang magiging mga balae na magiging bahagi ng aming pamilya. Hindi ko po maintindihan kay Fred kung bakit tila takot siya sa pamamanhikan. Ang sabi ko sa kanya, wala namang hihinging dote ang magulang ko at hindi sila hihingi ng mga kundisyones bago itakda ang kasal.
Maaari kayang ganito ang pinangaÂngambahan ni Fred o kaya’y hindi niya maipakilala ang kanyang magulang dahil mayroon siyang itinatagong hindi nila magandang asal?
Payuhan mo po ako. Dapat ko pa bang igiit kay Fred ang pamamanhikan?
Gumagalang at nagpapasalamat,
Francia
Dear Francia,
May katwiran naman ang mga magulang mo na makilala ang kanilang magiÂging balae bago maganap ang kasalan. Subukan mo munang ipakausap sa mga magulang mo ang iyong nobyo para ma-realize niya na wala siyang dapat ikapaÂngamba.
Ipaalala mo rin sa kanya, na higit na magpapaganda sa inyong pagsasama bilang magiging mag-asawa ang basbas mula sa inyong mga magulang.
DR. LOVE
- Latest