^

Dr. Love

Dalawa ang mahal niya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Dick, 23-anyos at binata. Sa ngayon ay naguguluhan ako dahil dalawa ang girlfriend ko na mag-best friend pa.

Alam nila pareho ang sitwasyon pero okey lang sa kanila. Sabi pa nga ng isa na itago mo na lang sa pangalang Liz, mahal niya ang best friend niya kaya sa lahat ng bagay ay handa silang­ maghati.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o pinaglalaruan lang nila akong dalawa.

Mabigat na problema ito dahil kapwa ko sila mahal at ayaw kong mawala ni isa man sa kanila.

Hindi ko naman sila puwedeng pakasalang dalawa. At kung uungkatin ko ang kasal sa kanila ay tila hindi sila interesado. Kuntento na raw sila pareho sa kasalukuyan naming kalagayan.

Ano ang gagawin ko?

Dick

Dear Dick,

Ang pakikipagkasintahan ay dapat kasal ang pinatutunguhan at tama ka, hindi mo sila puwedeng pakasalan pareho.

Dapat ngayon pa lang ay mamili ka. Kung hindi ka makapag-decide, daanin mo sa toss coin. Hindi ko alam kung paano nila tatanggapin ang ganitong sistema pero talagang ganyan. Mayroon kang dapat iwanan at isang dapat seryosohin.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

DAPAT

DEAR DICK

DR. LOVE

KUNTENTO

LANG

LIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with