Wala pa ring bf
Dear Dr. Love,
Sa edad na 25 taon, wala pa po akong boyfriend at nakakahiya mang sabihin, parang walang lalaking makatipo sa akin.
Ang dahilan, sabi ko sa sarili ay hindi ako maganda at tanging nanay ko lang yata ang nagsasabi na may itsura naman ako kung matututunan ko lang pumustura at magdala ng sarili.
Ang sabi naman ng best friend ko, alisin ko lang ang pagiging kimi at mahiyain, marami akong magiging kaibigang lalaki.
Marami anya ang nagsasabing latoy akong kausap at naaasiwa silang lumapit at makiÂpagkilala dahil sa hindi ako marunong makihalubilo sa tao kaya napagkakamalang supladaÂ.
Paano po kaya ang dapat kong gawin para matutunan kong magkaroon ng tiwala sa sariliÂ?
Lagi kasi akong duda na walang may gustong makipag-usap sa akin, matangi sa maÂlapit kong kaibigang si Tina.
Payuhan mo po ako. Maraming salamat.
Gumagalang,
Luisa
Dear Luisa,
Magandang simulan na isipin na lahat ng nilikha ng Dios ay Kanyang obra, ibig sabihin, pinaka-natatanging nilalang. Sa totoo lang, ang kagandahan ay hindi lamang tumutukoy sa panlabas na katangian, kundi lalo’t sa panloob na katangian.
Kailangan mo lang ay magkaroon ng mind set na hindi alien, kaya hindi dapat maging maÂilap sa iba. At sa problema mong iyan, ikaw ang unang makakatulong sa iyong sarili.
At hindi mo naise-settle ang komportaÂbleng pakiramdam kapag may kausap kang iba kung hindi mo sisimulan na makisalamuha. Kaya simulan mo nang lumabas at makisaÂlamuha sa mga tao sa iyong paligid.
Sanayin mo rin ang iyong sarili na maging palangiti para hindi mailang ang iba na lapitan ka. Panatilihin mo ang kabutihan ng iyong kalooban dahil nakakadagdag ito sa maaliÂwalas na itsura ng isang tao.
DR. LOVE
- Latest