^

Dr. Love

Pagsubok lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maaaring pumasok na ang bagong taon kapag nailathala mo ang sulat kong ito pero bumabati pa rin ako sa iyo at sa mga tagabasa mo ng masaganang Bagong Taon.

Tawagin mo na lang akong Remy, 32-an­yos. Nang bagong kasal kami ng aking asawa anim na taon na ang nakararaan, nagulat na lang kami nang arestuhin siya ng mga pulis.

Na-frame up siya sa isang kasong may kina­laman sa droga. Pero sandali lang ‘yon at kahit ang abogado namin ay galing sa public attorney’s office, napawalang sala siya.

Pero dahil sa kasong yaon ay naalis siya sa trabaho at mga pitong buwan din bago siya nakahanap ng bagong trabaho.

Hindi muna kami nagka-anak at pi­nag­sikapang iangat ang aming kabuhayan. Nagtayo ako ng sari-sari store na may karin­derya at doon umunlad ang aming kabu­hayan.

Pero halos bagu-bago pa lang naming ini-enjoy ang pag-asenso, nagkaroon ako ng bukol sa dibdib at ang sabi ng doktor ay stage one na cancer matapos akong maoperahan at i-biopsy.

Bakit puro problema ang dumarating sa aming­ buhay, Dr. Love? Nawawalan na tuloy ako ng pag-asa. Tulungan mo akong makapag-isip.

Remy

 

Dear Remy,

Pasalamat ka at stage one pa lang ay nadiskubre na ang iyong cancer. Sa stage one, malaki ang pag-asa mong gumaling dahil nag-uumpisa pa lamang. Sumunod ka lang sa lahat ng tagubilin ng doktor.

Wala kang dapat isipin o ipag-alala dahil makakaapekto iyan sa paggawa mo ng tamang desisyon. Marami nang gumaling sa cancer dahil sa maagap na pagkaka­tuklas ng doktor.

Bawat krisis na dumarating sa ating buhay ay may mabuting layunin ang Diyos.

Dr. Love

BAGONG TAON

BAKIT

BAWAT

DEAR REMY

DR. LOVE

PERO

REMY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with