Ayaw mag-apon
Dear Dr. Love,
Lubhang nanghihinayang ako sa dapat sana’y katuparan na ng paghahanap ko ng isang perfect partner dahil compatible kami sa halos lahat ng bagay.
Perfect gentleman si Rod at kung siya ang magiging kapalaran kong maging katuwang sa buhay, natitiyak kong magiging maligaya kami pareho sa buhay may-asawa.
Ang tanging hindi namin pinagkasunduan ay ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Ma labu-labo na kasi akong magbuntis dahil maÂlaÂpit na akong mag-40-anyos, 48 naman si Rod.
Isa pa, pinayuhan ako ng aking OB GyneÂcologist na iwasan ang magbuntis dahil maÂaaring malagay sa peligro ang aking buhay. Ang solusyon sana sa pagnanais naÂming magÂkaanak ay adoption. Pero mahigpit itong tinutulan ni Rod.
Hindi kasi naging maganda ang karaÂnasan ng kanilang ina sa pag-aampon. At ang gusto niyang anak ay galing talaga sa dugo ng kanilang angkan.
Masyado raw negatibo ang aking pananaw at hindi ako marunong makipagsapalaran sa buhay. Sinabi kong hindi ko kayang isugal ang aking kaligtasan para mabigyan siya ng anak.
Pinalaya ko si Rod sa aming kasunduan bagaman nagdurugo ang aking puso. Basehan po ba ito para masabing hindi niya talaga ako mahal?
Gumagalang,
Irene
Dear Irene,
Para sa partner na tunay na nagmamahalan, ang anumang kakulangan ay hindi nagiging problema. Dahil sa halip na maghanapan, pinuÂpunan nilang dalawa ang bawat isa.
Magpalamig muna kayo pareho ni Rod, dahil maaaring dulot lang ng inyong komprontasyon ang naging desisyon ninyo. Kapag paÂreho na kayong kalma, subukan mo uli siyang kaÂusapin at ipaliwanag ang peligrong maiduÂdulot sa iyo ng pagbubuntis.
Kung magiging matigas pa rin siyang ipilit na magbuntis ka, mag-isip-isip ka na dahil maaaring tama ang pakiwari mong hindi mahalaga sa kanya ang kapakanan mo.
DR. LOVE
- Latest