^

Dr. Love

Anak ang nagdusa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang magsimulang magloko ang asawa ko, ginawa ko na ang lahat para mapigil siya upang hindi masira ang pamilya.

Nariyan ang abangan ko siya sa labasan ng kanyang trabaho at patay-malisiyang yaya­yain na magsine, sa isang okasyon o kaya’y surprise dinner. Nagawa ko na rin na sundan siya sa hotel at biglang magpapakita ako sa kanya para ipamukha na bistado ko siya. Dumating na rin sa punto na kinukompronta ko ang kanyang kabit para layuan siya. Nagsasawa na po ako.

Kasunod ng paglay-low ko sa pag-iispiya sa kanya ay ang trahedyang dinanas ng aming­ panganay na anak, nag-nervous breakdown po siya at naging isip-bata ang kilos. Ito po ang naging dahilan ng aming paghihiwalay na mag-asawa.

Nang mabalitaan ito ng asawa ko, noon na lumambot ang kanyang puso at kusang loob na nagbago. Umuwi siya at humingi ng kapatawaran sa aming mag-iina. Pero walang nagbago sa kondisyon ni Lorena.

Nakikita ko na sa tuwing makikita ni Sam ang kanyang anak ay naluluha siya sa pagsisisi. Hindi ko na sana gustong tanggapin pa ang aking asawa dahil siya ang sinisisi ko sa nangyari sa aming anak.

Pero dahil sa pag-asang makakatulong ang pananatili niya sa aming tahanan para bumalik ang katinuan ng isip ni Lorena, hindi ko na iyon tinutulan. Magkaiba ang silid na aming tinutulugan dahil ayaw ko na po makisiping pa sa kanya. Iniiwasan din siya ng dalawa pa naming anak na nasa kolehiyo. Laging­ si Lorena lang ang kausap niya at kalaro­ ng board games.

May pag-asa pa kayang bumalik ang dating magandang pagtitinginan sa aming pamilya?

Gumagalang,

Flora

Dear Flora,

Tanging kayo lamang bilang pamilya ang makakasagot sa tanong mo. Kung ang bawat isa ay nakahandang magpatawad at kumalimot sa lahat ng mga nangyari, hindi ito imposible.

Naniniwala ako na kapag nangyari ang ganon­, maghahatid ito ng positibong kapali­giran para sa inyong panganay na maaaring ma­katulong sa kanya para gumaling. Samahan mo ng dasal para mas mabisa.    

Dr. Love    

AMING

DEAR FLORA

DR. LOVE

LORENA

NANG

PARA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with