^

Dr. Love

Kulang sa ganda

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi po Dr. Love. Pakitago po ako sa pa­nga­lang “Bakekang.”

Si Bakekang po ay isang komiks cha­racter noon na pangit at dun po ako ipinag­lihi ng nanay ko.

Sa edad kong 30-anyos ay hindi ko pa naranasan ang magka-boyfriend at  obvious naman ang dahilan.

Natapos ako ng accountancy at pati trabaho ay parang mailap sa akin dahil sa itsura ko na kulang sa ganda.

Mabuti na lang at ang natagpuan kong employer ay isang born-again Christian at tinanggap niya akong maging cashier sa opisina.

Dahil din sa amo kong ito kaya ako na-expose sa bible studies at nakakilala kay Jesus Christ.

Kahit walang nanliligaw sa akin ay masaya na ako palagi ngayon dahil nalaman ko na walang pangit na nilikha ang Diyos at bawat tao ay binigyan Niya ng katangian at kakayahan puwedeng magamit sa paglilingkod sa Kanya.

Gusto ko lamang i-share ang kasaysayan ko at sana’y magsilbing inspirasyon sa iba.

Bakekang

Dear Bakekang,

Tama ka. Tao lamang ang nagle-lable ng pa­ngit at maganda dahil wala naman tala­gang pangit sa lahat ng nilikha ng Diyos.

Isa pa, ang pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend ay hindi naman pinaka-importante sa buhay. Ang importante ay may malinis kang kalooban at may talento para matiwasay kang makaraos sa buhay na ito.

Sana nga ay maging inspirasyon ang kasay­sayan mo sa kagaya mong nasa ganyang kalagayan. Dumadalangin din ako na sana’y makatagpo ka rin ng isang mangingibig na hindi titingin sa panlabas na anyo kundi sa busilak na kalooban.

Dr. Love

AKO

BAKEKANG

DAHIL

DEAR BAKEKANG

DIYOS

DR. LOVE

DUMADALANGIN

JESUS CHRIST

SHY

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with