Dapat ba akong magpakasal?
Dear Dr. Love,
Sweetest greetings to you and your readers. Sana po ay mapaunlakan mong itampok ang aking sulat.
Tawagin mo na lang akong Lorna, 23-anyos at dalaga. Mayroon po akong kasintahan at tawagin mo na lang siyang Arman.
Hiwalay si Arman sa asawa pero ang sabi niya, kasalukuyang pinoproseso ang annulment niya sa kanyang asawa.
Bago ko pa siya sagutin ay sinabi na niya sa akin ito at nakita ko ang katapatan niya dahil wala siyang inilihim sa akin.
Sinagot ko na siya at dalawang buwan na ang aming relasyon. Pinakakaingatan ko lang na walang mangyari sa aming pre marital sex dahil wala pang katiyakan kung ano ang mangyayari sa isinampa niyang annulment.
Nagdadalawang-isip ako ngayon. Kasi’y may tatlo siyang anak sa asawa niya na baka maging problema kung magpapaÂkasal kami.
Kung kayo ang nasa katayuan ko, dapat ba akong magpakasal sa kanya?
Lorna
Dear Lorna,
Una sa lahat, tama ang ginagawa mo na huwag munang ibigay ang iyong sarili sa iyong boyfriend. Kahit binata pa siya ay hindi dapat ang pre-marital sex dahil ang pag-aasawa ay sagradong institusyon na hindi dapat dungisan.
Tinatanong mo ako kung tama bang magpakasal ka sa kanya? Kung annulled na ang una niyang kasal ay walang illegal sa batas ng tao kung magpapakasal kayo.
Kaso, kung mayroon kang pangamba na baka maging problema ang kanyang tatlong anak sa una, talagang dapat pag-isipan iyan.
Maski papaano ay obligado siyang magÂbigay ng sustento sa kanyang mga anak sa unang asawa. Okay lang iyan kung super-yaman ang boyfriend mo na ubrang magsustento sa iyo at ang magiging anak ninyo at mga anak niya sa unang asawa.
Kung ako ikaw, hindi ako mag-aasawa sa lalaking hiwalay na may anak sa unang asawa.
Kaso, hindi ako ikaw at tanging ikaw lamang ang puwedeng magpasya sa iyong sarili.
Dr. Love
- Latest