^

Dr. Love

Pakakasal sa batang lover

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ayaw kong maniwala noong una na magpapakasal ulit ang aking ina pagkaraang mabalo sa aking ama maraming taon na ang nakali­lipas. Bata pa kasi ang nanay ko nang mabalo siya kay itay, wala pa siyang 40 anyos.

Nagsosolong anak nila ako ni tatay. Si itay lang ang sentro ng atensiyon noon ni inay kaya nang mawala siya, ibinuhos ni inay ang panahon niya sa pagtataguyod sa akin hanggang sa mapagtapos niya ako ng pag-aaral.

Dati, pa-boyfriend-boyfriend lang si inay at hindi nagiging seryoso sa pakikipagrelasyon pero nang tawagan niya ako at ipaalam ang pagpapakasal, sinabi niyang dumating man ako o hindi ay matutuloy ito.

Dr. Love, tatlong taon lang ang agwat ng edad namin ng kanyang lover at ito ang pina­ngangambahan ko dahil 60-anyos na si inay nga­yon. Katulong niya ang lalaki sa piggery.

Umuwi ako agad sa aming probinsiya para kausapin pa si inay. Pero habang nasa byahe ay na-realize ko na matagal ko na pala siyang hindi nadadalaw. Dahil subsob ako sa trabaho.

Bagaman companionship lang ang hanap ng inay ko, ang bata niyang nobyo ay seryoso rin sa relasyon nila dahil siya pala ay ulila nang lubos at handa raw niyang alagaan ang aking inay. Nagpagawa na raw siya ng pre-nup, isang kasulatan na nagsasaad na ang lahat­ na ari-arian ng aking ina at yumao kong ama ay sa aking lahat mapupunta.

Kung anuman ang kita nila ng aking ina sa panahon ng kanilang pagsasama, iyon lang ang kanilang conjugal property. Wala po akong masabi, Dr. Love. Tingin ko naman, nagmamahalan sila. 

Napabayaan ko ba ang ina ko kaya siya naghanap ng atensiyon sa iba? Tama lang ba na hayaan ko siya sa desisyon niya?

Gumagalang,

Henry

Dear Henry,

Kapwa naghahanap ng pagmamahal at ka­­­ linga ang nanay mo at ang kanyang pakaka­salang lalaki.

Bagaman malaki ang agwat ng edad ng da­lawa, wala tayong magagawa kundi ang ha­ngaring sana magtagal ang kanilang pagsasama. Ang importante lang, maligaya ang nanay mo at hindi na siya mangungulila kung siya ay nag-iisa.

Dr. Love

AKING

AKO

BAGAMAN

DEAR HENRY

DR. LOVE

INAY

LANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with