Ipinagpalit sa iba
Dear Dr. Love,
Hindi ko akalain na ang malimit kong pagbibiro sa aking asawa na, sakaling hahanap siya ng ipapalit sa akin ay siguruhin niyang mas higit ang katangian para hindi naman sumama ang loob ko.
Dahil sa binalewa niya ang anim na taon naÂming pagsasama, lalo na ang dalawa naming anak (2 buwan pa lang po noon ang aming bunso) nang tuluyan niyang pakisamahan ang noo’y sinasabi niyang madalas niya lang kainuman na kaibigan, si Delia.
Matagal na po pala niya akong ginogoyo. Habang nagsisikap ako sa pagpupundar sa aming kabuhayan ay siya namang paglulustay niya ng pera para sa babaeng iyon.
Bagaman nasaktan po ako sa mga nangyari, lalo na nang matuklasan ng aking panganay ang tungkol dito, na-realize ko na rin po na huwag saÂyangin ang buhay ko sa taong hindi nagpahalaga sa pagmamahal ko.
Sa ngayon po ay nakikitira ako sa kapatid ko, pero plano na naming umuwi sa probinsiya ng mga anak ko at doon na lang maghanap-buhay. Napagpasyahan ko na rin po na buhayin nang mag-isa ang aking mga anak. Sakaling bumalik po ang aking asawa, hindi ko na siya matatanggap dahil naglaho na ang pagmamahal ko sa kanya. Wala na rin po akong natitirang respeto dahil sa mga ginawa niya sa aming mag-iina. Isa pa naghihinanakit din po ang kalooban ng aming panganay na si Martin.
Maraming salamat po at sana’y mapayuhan mo ako.
Gumagalang,
Jinky
Dear Jinky,
Nalulungkot ako sa mga kwentong humantong sa tuluyang paghihiwalay ng mag-asawa. Talaga bang wala nang puwang ang pagpapatawad? Pag-isipan mo uli, paano kung hanapin kayo ng asawa mo at humingi ng tawad?
Hangga’t maaari, sikapin mo rin na huwag magtagal sa dibdib ng iyong anak ang pagkamuhi sa kanyang sariling ama. Dahil hindi ito makakabuti sa kanya.
Naniniwala ako na gaano man kapait ang naging karanasan, nagagawa itong paghilumin ng panahon at kasunod nito ang pagkonsidera sa pagpapatawad.
Kasama mo ang pitak na ito sa panalangin, na matamo ng inyong mag-anak ang kaligayahan. God bless you!
DR. LOVE
- Latest