^

Dr. Love

Lupaypay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpupugay ako sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang ako sa pangalang Cardo, 40-anyos at may asawa.

Hindi ko na sasabihin sa iyo ang buo kong pangalan dahil nakakahiya at mas­yadong personal ang problema ko.

Mag-iisang taon na ngayon, napansin ko at maging ng aking asawa na ma­­tamlay ako sa aming pagtatalik. Ibig kong sabihin, madaling manlupaypay ang aking­ pagkalalaki kaya nabibitin ang aking misis.

Kung anu-anong herbal food supplement ang sinubukan ko pero ayaw tu­malab sa akin. Ayaw ko namang subukan yung viagra na sinasabing masama sa may sakit sa puso. Hindi mo naitatanong, mayroon akong heart condition at minsan nang na-mild stroke at may iniinom akong maintenance araw-araw.

Ano kaya ang dapat kong gawin para manumbalik ang sigla ng aking pagkala­laki? Sana matulungan mo ako.

Cardo

Dear Cardo,

Wala akong maipapayong medical sa iyo para solusyunan ang iyong problema dahil hindi naman ako doktor ng medisina.

Kaya ang maipapayo ko ay komunsulta ka sa manggagamot para matukoy ang pinagmumulan ng iyong problema at mabigyan ka ng kinakailangan mong gamot.

Pero sa konti kong nalalaman, ang panlulupaypay ng pagkalalaki ay puwe­deng dahil sa iniinom mong gamot. Ma­aari ring ito’y bunga ng diabetes. Mayroon ka bang ganyang karamdaman? Magpa-check ka ng blood sugar mo para malaman.

Inuulit ko, hangga’t maaga ay sumangguni ka na sa iyong manggagamot na siyang makatutulong sa iyo.

Dr. Love

         

vuukle comment

ANO

AYAW

DEAR CARDO

DR. LOVE

IBIG

INUULIT

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with