^

Dr. Love

Ipinagpalit sa iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko akalain na ang malimit kong pagbibiro sa aking asawa na, sakaling hahanap siya ng ipapalit sa akin ay segurihin niyang mas higit ang katangian para hindi naman sumama ang loob ko.

Dahil na binalewa niya ang anim na taon naming pagsasama, lalo na ang dalawa namin anak (2 buwan pa lang po noon ang aming bunso) nang tuluyan niyang pakisamahan ang noo’y sinasabi niyang madalas niyang lang ka­inuman na kaibigan, si Delia.

Matagal na po pala niya akong ginogoyo. Habang nagsisikap ako sa pagpupundar sa aming­ kabuhayan ay siya namang paglulustay niya ng pera para sa babaeng iyon.

Bagaman nasaktan po ako sa mga nangyari, lalo na nang matuklasan ng aking panganay ang tungkol dito, na-realize ko na rin po na huwag sayangin ang buhay ko sa taong hindi nagpahalaga sa pagmamahal ko.

Sa ngayon po ay nakikitira ako sa kapatid ko, pero plano na naming umuwi sa probinsiya ng mga anak ko at doon na lang maghanap-buhay.  Napagpasyahan ko na rin po na buhayin nang mag-isa ang aking mga anak. Sakaling bu­malik po ang aking asawa, hindi ko na siya mata­tanggap dahil naglaho na ang pagmamahal ko sa kanya. Wala na rin po akong natitirang respeto dahil sa mga ginawa niya sa aming mag-iina. Isa pa naghihinanakit din po ang kalooban ng aming panganay na si Martin.

Maraming salamat po at sana’y mapayuhan mo ako.

Gumagalang,

Jinky

Dear Jinky,

Nalulungkot ako sa mga kwentong humantong sa tuluyang paghihiwalay ng mag-asawa. Talaga bang wala nang puwang ang pagpapatawad? Pag-isipan mo uli, paano kung hanapin kayo ng asawa mo at humingi ng tawad?

Naniniwala ako na gaano man kapait ang naging karanasan, nagagawa itong paghilumin ng panahon at kasunod nito ang pagkonsidera sa pagpapatawad.

Sa bawat sitwasyon natin sa buhay kung matututunan lamang natin ang pag-angat ng lahat ng pangamba sa ating Lumikha, malalaman natin na mas magiging maganda at masaya ang panibagong araw sa ating buhay.

Kasama mo ang pitak na ito sa panalangin, na matamo ng inyong mag-anak ang kaliga­yahan. God bless you!

Dr. Love

 

AKO

BAGAMAN

DAHIL

DEAR JINKY

DELIA

DR. LOVE

GUMAGALANG

HABANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with