Hindi ako bading
Dear Dr. Love,
Hi, hello at isang mabiyayang araw sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang akong EdgarÂ, 19-anyos at kumukuha ng computer science.
Ang problema ko ay ang aking effeminate behavior. Hindi po ako bakla pero napagkakamalan ako, dahil daw sa maÂlamya kong kilos.
Marahil dahil sa kilos kong ito ay malapit sa akin ang mga babae. Pero natatakot akong manligaw sa kanila dahil baka kantiyawan ako.
Sa totoo lang ay wala pa akong naÂgiÂging girlfriend sa tanang buhay ko. May nagugustuhan akong kamag-aral ko pero hindi ako magkalakas ng loob na mag-propose.
Tulungan mo sana ako Dr. Love at pagpayuhan kung paano ko mao-overcome ang behavior ko.
Edgar
Dear Edgar,
Hindi naman problema iyang sinasabi mong problema. Basta sabihin mo lang sa mga kaibigan mo, lalo na sa mga babae na effeminate lang ang kilos mo pero lalaking-lalaki ka sa iyong puso.
Marami akong kakilalang tulad mo. Kilos babae pero lalaking-lalaki at napakaraming anak.
At bakit natatakot kang mag-propose sa babaeng napupusuan mo? Kung hindi mo madaan sa salita, padalhan mo ng sulat.
Alam kong hindi ka kakantiyawan dahil natural lamang sa lalaki ang nanliligaw at babae ang nililigawan.
Dr. Love
- Latest