^

Dr. Love

Tuloy ang ligaya ni Itay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Awang-awa na ako sa aking inay. Patuloy na nahuhulog ang kanyang katawan gayong wala namang karamdaman. Marahil dahil sa pag-iisip at sama ng loob sa aking ama.

Palikero kasi si tatay. Pinangangaralan si inay ng kanyang mga kapatid at magulang. Matuto raw magbigay res­peto sa sarili. Manin­digan sa kanyang karapatan bilang asawa.

Hindi pera lang ang mahalaga, sabi ng lola ko. Sagana man sa pera, hindi naman tinatratong asawa.

Sa pinakahuling pag-uwi ni tatay mula sa Mindanao kung saan siya nadestino, kinausap siya ni inay. Nag-usap sila nang matagal.

Pagkaraan noon, kung ilang buwan sa kanyang home office lang siya nagre-report. Natuwa na sana kaming magkakapatid. Pero ang pa­ngakong hindi na mambababae ay tuloy pa rin.

Kami na mga anak ang nagsabi kay inay na hindi pa rin nagbabago si tatay. Alam daw niya. Wala na raw siyang magagawa pa. Ang ma­halaga anya, hindi kami pinababayaan sa materyal na pangangailangan.

Gusto ko sanang kausapin si tatay na magpakatino na dahil apektado na ang pamilya ng kanyang pagloloko. Pero pinigil ako ni inay. May napagkasunduan na raw sila ni itay.

Naguguluhan po ako Dr. Love, ang ibig kayang ­sabihin sa halip na maghiwalay, ma­na­natili ang kanilang pagiging mag-asawa alang­-alang sa mga anak pero malaya ang tatay ko na gawin ang kanyang pambababae?

Nawala po ang respeto ko sa aking ama. Ang pangako ko sa sarili, sa sandaling makatayo na ako sa dalawang paa, bubukod ako ng tirahan, kasama ang dalawang kapatid at ang aking inay.

Hindi rin ako tutulad kay inay na nagpapa­ka-martir dahil palikero ang asawa.

Truly yours,

Digna

Dear Digna,

Mahal na mahal kayo ng inyong ina dahil kahit naaapi na siya, kinakalimutan niya ang sa­riling dignidad at kapakanan para lang tulu­y-tuloy kayo sa pag-aaral. Nagdesisyon na siya na manatiling buo ang pamilya. Kaya kahit na galit ka sa itay mo, panatilihin mo ang respeto dahil ama mo pa rin siya.

Lagi mong ipagdasal ang itay mo, na duma­ting na sa kanya ang ganap na pagbabago.

Dr. Love

 

AKO

ALAM

AWANG

DEAR DIGNA

DIGNA

DR. LOVE

INAY

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with