^

Dr. Love

Persistent boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang kong Jovy, 23 anyos. Lumaki ako sa isang relihiyoso at konserbatibong pamilya. Katunayan, hindi ako nagkaroon ng boyfriend until I was 21 years old.

Ang boyfriend ko ngayon ay second boyfriend ko dahil ‘yung nauna ay hindi kami masyadong seryoso at nagtagal lang ng 2 months.

Problema ang second boyfriend ko dahil gusto niyang magkaroon kami ng pre-marital sex. Magdadalawang taon na raw kami kaya gusto niyang magtalik kami. Ayaw ko. To tell you the truth, never been touched po ako.

Ang ipinagtataka ko ay ayaw naman niyang magpakasal. Sinabi ko sa kanya na total may trabaho na kami pareho ay magpakasal na kami.

Hindi pa raw siya handa. Mahal ko naman siya pero sa ganyang inuugali niya ay gusto ko nang makipag-break sa kanya.

Anong maipapayo mo sa akin, Dr. Love?

Jovy

Dear Jovy,

Ikaw na rin ang nagpayo sa sarili mo eh. Makipag-break ka.

Malamang gusto ka lang isahan ng lalaking iyan at kapag nakuha na ang gusto ay unti-unti kang lalayuan.

Sabihin mang moderno na ang panahon ngayon, hindi pa rin ako pabor sa pre marital.

Dr. Love

 

               

 

ANONG

AYAW

DEAR JOVY

DR. LOVE

IKAW

KAMI

KATUNAYAN

LUMAKI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with