^

Dr. Love

Single parent

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang masayang pagbati po ang gusto kong ipaabot sa love counselor na pinagkakatiwalaan ng marami. Sana’y datnan kayo ng aking liham na nasa maayos na kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Laarni, 39-anyos­ at isang dalagang ina. Solo kong itinataguyod ang aking 5-anyos na anak, sapul nang hiwa­layan ako ng aking ka-live-in na sumama sa ibang babae.

Kung anu-anong negosyo ang pinapasok ko. Namimili ako ng mga laruan sa divisoria at nagtayo ako ng maliit na tindahan sa harap ng bahay namin.

Nahihirapan ako at dahil dito, iniisip ko kung tatanggapin ko ang alok ng isang masugid na manliligaw na si Joe. Mukha naman siyang ma­bait at tapat sa mga sinasabi niya.

Inaalok niya ako na magsama na kami. May­roon din siyang negosyo sa palengke at nagti­tinda ng mga gulay at wala siyang asawa at anak.

Kung ako ikaw, ano ang desisyon mo?

Laarni

Dear Laarni,

Sa suliranin mo ay ikaw lang ang puwedeng magpasya. Gamitin mo ang talino mo bago tanggapin ang alok niya. Paka­alamin mo ang tunay niyang ugali at baka muli ay mag­sisi ka sa ikalawang pagkakataon.

Paano kung maanakan ka uli at iwanan?

Hindi ako puwedeng magdesisyon para sa iyo pero ang tanging payo ko ay pag-aralan mong mabuti ang kanyang ugali.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR LAARNI

DR. LOVE

GAMITIN

INAALOK

ISANG

LAARNI

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with