^

Dr. Love

Nakilala sa website

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nais ko po sanang humingi ng payo tungkol sa pagdadalawang isip ko sa marriage proposal na iniaalok sa akin ng isang dayuhan na nakilala­ ko sa isang website.

Sa madalas na pag-uusap thru internet ay nagkapalagayan kami ng loob ni Francis. Magkasundo kami sa maraming bagay at gaya ko, nagtatrabaho din siya sa isang malaking kum­panya. Nagkita na kami ng personal nang mag­punta siya sa amin at sa pagkikitang ‘yun, ganun pa rin ang damdamin ko para sa kanya. Kaya si­nagot ko na siya at nakipagrelasyon ako sa kanya.

Ipinakilala ko na siya sa aking mga magu­lang. Bagaman nakagaanan nila ng loob si Francis­, ang pintas naman nila ay ang malaking agwat ng aming­ edad. Nasa 27-anyos po ako ngayon habang siya naman ay 40 years old at binata.

Hindi kumbinsido ang aking pamilya na binata si Francis. Dahil kung pihikan daw ito, bakit mas bata ang gusto niyang mapangasawa at hindi malapit sa kanyang edad. Baka raw dumating ang panahon na taga-akay na lang niya ako. Pagsampa ko raw kasi sa 40 ay 60 years old na ang nobyo ko.

Nagkaroon tuloy ako ng agam-agam kung tatanggapin ang alok na kasal ni Francis. Kung nais ko raw ay dito na sa Pilipinas idaos ang kasal. Pero mahal ko siya at alam kong liligaya ako sa kanyang piling. Kaya nga lang nagdadalawang-isip ako dahil sa age gap namin. Payuhan mo po ako Dr. Love.

Maraming salamat at hihintayin ko ang inyong­ kasagutan.

Your ardent fan,

Maya

Dear Maya,

Hindi mo nabanggit kung gaano katagal na kayong magkarelasyon ni Francis. At ang ta­nging basehan mo lang ng damdamin mo sa kanya ay ang inyong pag-uusap sa internet at ang minsan niyang pagbisita sa inyong bahay, masyado pang premature ang pundasyong ito.

Bakit ko nasabi ito, kahit pa nararamdaman mo na mahal mo siya at liligaya ka sa kanya…nagdalawang-isip ka pa rin na tanggapin ang marriage proposal niya. Ibig sabihin lang nito, hindi kayang i-surpass ng sinasabi mong pagmamahal at ipinapalagay na kaligayahan kay Francis ang malaking pagkakaiba ninyo sa edad.

Take your time to know him more, Maya para ikaw mismo sa sarili mo ang makatiyak na siya na ang gusto mong makasama habang buhay.

Dr. Love

AKO

BAGAMAN

BAKIT

DAHIL

DEAR MAYA

DR. LOVE

KAYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with