^

Dr. Love

Mabait na manugang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Noon, pumapalakpak ang tainga ko kapag pinupuri ako na isang mabait na manugang. Dahil mahal ko at respetado ang aking asawa, maganda ang pakikitungo ko sa in-law lalo na sa aking biyanang babae na namatay na ang asawa.

Hindi makasundo ng biyanan ko ang kanyang mga anak na babae dahil hindi pinagbibigyan ang lahat ng magustuhan niya marahil dala na rin ng kanyang edad. 

Pero dahil napagpapasensiyahan ko, kahit pa minsan ay sobra na ang pagpapabili niya at paghahakot ng anumang gamit sa bahay, halos gusto na niyang tumira sa amin.

Okey lang sa akin ang paminsan-minsan, dahil nadadalaw niya rin ang kanyang mga apo. Pero Dr. Love, dumating sa punto na nagbibitbit pa siya ng mga kamag-anak para patirahin sa aming bahay. Ang iba ay para makahanap ng trabaho, ang iba pa ay magpapa-follow up naman sa main office na nasa Maynila.

Lumala nang lumala ang sitwasyon, wala nang mapaglaruan ang mga anak ko sa bahay dahil may tao, at sa gabi kahit sa ilalim ng lamesa ay may natutulog. Nag-iinit din po ang ulo ko dahil madalas, wala nang ulam. Nasasaktan na po ng husto ang aming bulsa.

Madalas akong inaalo ng asawa ko kapag nagiging miserable ang pakiramdam ko dahil sa pangyayari. Hindi naman niya masabihan ang kanyang ina dahil baka magdamdam.

Nakakapika na po Dr. Love, paano ko po ba sasabihan ang biyanan ko na tigilan na ang paghahakot ng mga kamag-anak dahil masakit na sa bulsa ang ginagawa niya?

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Ramona

Dear Ramona,

Mabuti ang tumulong pero kung ang ibibigay mo sa iba ay ibabawas mo pa sa isusubo ng iyong pamilya, hindi naman masama na ipagpaliban ito.

Pinakamabuti na kausapin ninyong mag-asawa nang sarilihan ang iyong biyanan. Ti­ming-an n’yo lang. Sabihin n’yo sa kanya na may pinagdara­anan kayong financial problem at makikiusap kayo na kung hindi niya kayang lumuwas na mag-isa ay baka maaari namang limitahan niya ang pagsasama ng tao na patitirahin niya sa inyo.

Ikonsidera mo rin ang paghingi ng tulong sa mga hipag mo para mapagsabihan ang iyong biyanan tungkol sa nagiging problema ninyong mag-asawa.

Dr. Love

 

DAHIL

DEAR RAMONA

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKONSIDERA

LUMALA

MADALAS

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with