Ipaubaya ang pagdedesisyon
Dear Dr. Love,
Hangga’t maaari ayaw ko pong panghimasukan ang buhay at problema ng aking anak na babae na mayroon na ngayong saÂÂriling paÂÂmilya. Pero napilitan akong tumuÂbog sa kaÂniÂlang problemang mag-asawa nang tawagan ako ng aking apong anim na taong gulang at humingi ng saklolo dahil nagÂtangkang magÂlaslas ng pulso ang aking anak.
Umiiyak niyang sinabi sa akin na duguan ang kanyang nanay at kailangang dalhin sa ospital.
Salamat na lang po at naagapan namin ang anak ko. Wala sa senaryo ang asawa niyang si Rufo. Ang sumbong sa akin ng aking apong si Paul, sinuntok ng kanyang tatay ang kanyang nanay dahil daw natiklo ang kanyang tatay na may kaulayaw na ibang babae.
Takot na takot ang apo ko sa nasaksihan niyang panggugulpi ng ama sa kanyang ina. Ayaw na raw niya sa kanyang daddy dahil sinasaktan ang kanyang mommy.
Ang payo ko po sa aking anak, hiwalayan na niya ang asawa at huwag siyang matakot sa pagsasampa ng demanda dahil tutuluÂngan ko siya. Sinabi ko po sa aking anak na hindi niya dapat na sayangin ang kanÂyang buhay sa isang lalaking tulad ng kanyang asawa na babaero na butangero pa.
Nag-iisa ko po siyang anak na babae at hindi ko gustong maulit pa ang pagtatangka sa buhay niya dahil lang sa iresponsable niyang asawa. Payuhan mo po ako.
Gumagalang,
Tita Helen
Dear Tita Helen,
Nasa iyo ang lahat ng karapatan bilang maÂgulang kung kaligtasan na ng iyong anak at kalagayan ng iyong apo ang nakataya, sa pangÂhihimasok sa problema ng iyong anak.
Pero sa huli, hayaan mo na ang anak mo ang magdesisyon sa kanilang relasyong mag-asawa. Umalalay ka lang sa sitwasyon at bigyan ng pagkakataon ang iyong manugang na makapagpaliwanag. Higit sa lahat ipagdasal mo lagi ang kanilang pamilya.
Dr. Love
- Latest