^

Dr. Love

‘Di maka move-on

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pangungumusta ang ipinara­rating ko sa iyo at sa mga tagasubaybay ng iyong colum.

Sana’y wala kang sakit sa pagtanggap mo sa sulat ko. Tawagin mo na lang akong Remy, 27 anyos at hiwalay sa asawa.

Dalawang taon nang sumakabilang-bahay ang mister ko. Sumama siya sa ibang babae. Isang anak ang iniwan niya sa akin.

Ang problema ay hindi ako makapag-move on dahil walang annulment ang aming kasal.

May tatlong nanliligaw sa akin at handa akong pakasalan pero hindi puwede. Okey lang ba na makipag-live-in din ako tulad ng ginawa ng asawa ko?

May napupusuan akong isa sa aking mga manliligaw at payag siya na magsama kami habang hinihintay ang annulment.

Remy

Dear Remy,

Kung ibig mong makapag-move on at mag-asawa ng iba, hintayin mo munang  ma-annul ang iyong unang kasal. Pero ito ba’y naka-file na?

Kumilos ka na lang habang maaga at kapag ayos na ang lahat, saka mo isipin ang pag-aasawang muli.

Hindi ako pabor sa live-in dahil madalas ay may kabuntot na problema. Mas mabuti ‘yung tumatalima sa batas ng Diyos at ng tao.

Dr. Love

DALAWANG

DEAR REMY

DIYOS

DR. LOVE

ISANG

KUMILOS

MAINIT

REMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with