^

Dr. Love

Ayaw matukso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinauuna ko na ang taus-pusong pa­sasalamat sa paggamit mo sa aking sulat. Nais din kitang batiin ng isang mabiya­yang araw pati na sa iyong staff at mga tagasubaybay.

Tawagin mo na lang akong Leonardo, 32-anyos at may asawa. Sampung taon na kaming nagsasama ni Cristy sa piling ng aming limang anak at hindi nagbabago ang tamis ng aming pagsasama.

Marami ang naiinggit sa amin dahil ang ilan sa mga nakasabayan naming ikasal ay nawasak na ang pamilya pero kami’y nananatiling matatag.

Hanggang sa makilala ko si Weena. Isa siyang sekretarya sa opisinang aking­ pinapasukan. Bagong pasok lang siya pero nagkapalagayan kami ng loob. Ma­bait siya at nadarama kong may pagta­tangi ako sa kanya.

Sa kabila nito ay pinipigilan ko ang aking­ sarili dahil ayokong mawasak ang aking pamilya. Ramdam kong may gusto rin sa akin si Weena at madalas ay  nagdadala siya ng sobrang baon para sa aming­ dalawa. Ayaw kong matukso. Dapat ba akong mag-resign para iwasan siya?

Leonardo

Dear Leonardo,

Tatagan mo pa ang iyong pagtitimpi. Ang pinakamabuting gawin ay sabihin mo kay Weena na bagama’t magkaibigan kayo, isa kang happily married guy at ma­buting dumistansya kayo sa isa’t isa para maging malayo sa tukso.

Hindi mo naman kailangang mag-resign dahil batid kong mahirap humanap ng trabaho. Posible rin na bilang kaibigan lang ang tingin ni Weena sa iyo pero walang masama kung sabihin mo sa kanya ang totoong dapat kayong dumistansya sa isa’t isa at huwag gawing special ang pagtitinginan ninyo at baka mauwi sa  pagkakaroon ninyo ng relasyon na higit sa magkaibigan.

Pasalamat ka sa Diyos at binigyan ka ng isang matatag na pamilya. Huwag mong hayaang mawasak ito. Lagi kang manalangin para bigyan ka ng lakas ng Diyos laban sa tukso.

Dr. Love

vuukle comment

AYAW

DAPAT

DEAR LEONARDO

DIYOS

DR. LOVE

HANGGANG

SHY

WEENA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with