^

Dr. Love

Kapatid pala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Tawagin n’yo na lang po akong Marco, 21 anyos. Siguro sasabihin ninyong parang istorya sa pelikula o komiks ang kasaysayan ko pero totoo po.

May nililigawan ako at mahal na mahal ko siya. Tawagin n’yo na lang siyang Lara. May mutual understanding na kami kahit ‘di pa ako pormal na sinasagot. Minsan ay inimbita ko si Lara sa bahay para makilala ng tatay ko at mga kapatid. Biyudo na po ang tatay ko.

Sa kakakuwentuhan ay nabanggit ni Lara ang pangalan ng kanyang ina at ibang reaksyon ang napuna ko sa tatay ko. Natigilan siya. Single parent daw ang nanay ni Lara na halos kasintanda ng tatay­ ko.

Nang inihatid ko sa kanila si Lara at bumalik ako ng bahay, sarilinang kina­ usap ako ng tatay ko. Sabi niya kapatid ko sa labas ang aking kasintahan at dapat naming tapusin ang aming relasyon. Nasa Cebu ang nanay ni Lara at si Lara ay nagbo-board lang habang nag-aaral sa Maynila.

Nang lumuwas ng Manila ang nanay ni Lara ay nagkaroon ng pagkakataong mag-meet kaming lahat para pag-usapan ang situwasyon. Malungkot kami ni Lara dahil hindi kami puwede pero ang mali­gaya naman ay ang aming mga magulang dahil nagkabalikan sila.

Kahit nalaman kong magkapatid kami, attracted pa rin ako sa kanya. Ano ang gagawin ko?

Marco

Dear Marco,

Ang kapatid ay kapatid, Marco. Limutin mo siya at humanap ng ibang hindi mo kadugo.

Dapat maging masaya ka dahil muling nagtagpo ang landas ng tatay mo at ng kanyang dating katipan.

Itanim mo lang sa isip palagi na kayo’y magkapatid ni Lara at naniniwala akong mapapawi rin ang nadarama mo para sa kanya.

Dr. Love

ANO

BIYUDO

DAPAT

DEAR MARCO

DR. LOVE

LARA

NANG

NASA CEBU

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with