^

Dr. Love

Inaabusong tulong

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung tawagin ako ay “Tita Bait” ng aking mga pamangkin at kamag-anak. Isa akong balo sa edad na 60 anyos at hindi nagkapalad na magkaanak sa yumao kong esposo.

Ang tanging kasama ko sa bahay ay ang aking aso at isang kamag-anak na tulad ko ay nag-iisa na rin sa buhay. Hindi naman ako mayaman pero dahil matipid at walang luho, nakaluluwag sa buhay.

Ang problema ko po, Dr. Love ang ganitong sitwasyon ko ay sinasamantala ng ilan kong mga kamag-anak.

Alam nilang bukas-loob ako sa pagtulong sa mga kapatid at pinsan, kaya sa lahat na pagkakataong kailangan nila ang pera, ako ang takbuhan nila.

Alam naman nilang wala na akong pinagkakakitaan sa ngayon dahil retirado na akong teacher, wala silang kunsiderasyon sa pangu­ngutang. Kung pinapalad, nababayaran pero matagal at malimit ay “TY” na lang dahil hirap na hirap daw  sila sa buhay.

Alam ko namang inuuto akong malimit ng aking mga kamag-anak para makuha nila ang gusto nila sa akin. Patay malisya na lang ako at ipinauubaya ko na lang kay Lord ang lahat.

Minsang tinanggihan ko ang hinihingi sa akin ng isa kong kapatid dahil nataong marami akong binayarang obligasyon. Nagalit pa at sinabing hindi ko naman mababaon sa hukay ang aking pera.

Paano ko po matatanggihan ang ganitong mga pangungutang nang hindi naman nasasakripisyo ang sariling pangangailangan?

Maraming salamat po at hintay ko ang inyong payo.

Gumagalang,

Aling Teresa

Dear Aling Teresa,

Hindi naman masama ang tumulong lalo sa mga kapatid at iba pang kamag-anak na talagang nangangilangan. Pero kailangang may limitasyon at hindi nasasamantala ang iyong kabaitan.

Yaman din lang na nag-iisa ka na, bakit mo kailangang tipirin ang sarili? Enjoy the fruits of your labor. Mamasyal ka para maglibang. Hindi naman masama na unahin mo muna ang sariling kapakanan bago tingnan ang pangangailangan ng iba lalo na’t ginagawa nang bisyo ang pa­ngungutang nang walang bayaran.

Kung ang perang inuutang ay para lang sa kanilang bisyo at walang kapararakang paggastos, aba puwede mo silang tanggihan. Panahon na para naman alagaan mo ang sarili at paghandaan ang pagtanda.

DR. LOVE

vuukle comment

ALAM

ALING TERESA

DEAR ALING TERESA

DR. LOVE

GUMAGALANG

NAMAN

TITA BAIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with