^

Dr. Love

Nag-sorry ang ex-bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko inaasahang pagkaraan ng dalawang taon, muli kaming magkakaroon ng komunikasyon ng dati kong nobyo na humihingi ng sorry sa pakikipagkalas niya ng relasyon at pagpapakasal sa babaeng pinili ng kanyang mga magulang.

Nagamot ko na sana ang sugat ng puso na kanyang nilikha sa pagtalikod niya sa aming­ relasyon dahil ang gusto ng kanyang mga magulang ay mayamang manugang.

Pero deep inside me, parang excited ako sa pagtawag niya sa akin para ipaalam na nagsisisi siya sa pagpapakasal kay Digna.

Bigyan ko raw siya ng pagkakataong maka­usap ako ng personal para makita ko ang naging­ epekto ng ginawa niyang pag­talikod sa aming­ pag-iibigan.

Ipinabatid ko sa kanya na napatawad ko na siya sa kaapihang ginawa niya. Masaya na ako at nakapag-move on na.

Pero iginigiit niya na magkita kami for old time sake.

Curious ako na makita si Dante pero dahil nga mayroon pa akong nararamdaman para sa kanya, baka hindi ko mapigil ang sarili at pumayag ako kung mayroon man siyang ibang balak sa pagkikitang ito.

Payuhan mo po ako. Dapat ko bang panindigan ang pagtanggi sa kahilingan ng aking ex?

Gumagalang,

Vina

Dear Vina,

Mayroon nang asawa si Dante at kahit pa sabihing hindi siya masaya sa ginawa niyang pagpapakasal sa dating karibal mo, nakatali pa rin siya sa babaeng iyon na pinili ng kanyang mga magulang para sa kanya.

Yaman din lang na aminado kang baka hindi­ mo mapigil ang sarili kung mayroong ibang balak ang ex boyfriend mo sa pagkikita ninyo, makabubuting kitilin mo na ang sinasabi mong curiousity.

Sapat na marahil na mabatid mo na pi­nagsisihan niya ang pakikipagkalas niya sa inyong relasyon. Hindi mo na dapat pang palalain ang problema mo sakali’t magkabalikan kayo dahil nananatili siyang kasal sa asawa niya.

Dr. Love

AKO

BIGYAN

DAPAT

DEAR VINA

DR. LOVE

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with