^

Dr. Love

Paano maibabalik ang tiwala?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Minsan na akong nagkamali sa pagpatol sa isang dalagang co-employee na kahit alam akong mayroon nang asawa at anak ay pumatol pa sa akin.

Game talaga si Nancy at romantika kaya naman kasi ako narahuyo. Pero umabot ito sa kaalaman ni misis at ang buhay ko sa aming bahay ay nagmistulang impiyerno.

Hinamon na ako ni Daisy ng paghihiwalay at hindi na raw siya maghahabol pero kailangan kong sustentuhin ang dalawa naming anak.

Nawalan na raw siya ng tiwala sa akin at hindi niya gustong matali sa isang matrimonyo na nila­labag ko naman ang pinanumpaang katapatan.

Hindi ko naman gustong makipaghiwalay at mahal ko naman ang aking asawa at mga anak. Dangan nga lang at mahina ako sa tukso na ipina­ ngangako ko naman kay Daisy na hindi na mauulit.

Pero ayaw maniwala ng aking asawa. Ba­gaman patuloy kaming nakatira sa ilalim ng iisang­ bubong, malamig na sa akin ang asawa ko.

Ang mga dati niyang ginagampanang tungkulin bilang asawa ay ayaw na niyang gawin. Nagsasama nga lang daw kami sa iisang bubong, ito ay alang-alang na lang sa aming dalawang anak na kapwa nasa paaralang elementarya pa lang.

Nag-uusap naman kami pero kung kaharap lang ang dalawang bata. Lumipat na si Daisy ng tulugang silid para anya hindi na siya magambala kung ginagabi ako ng uwi na ipinagkakamali niyang nasa piling ako ni Nancy.

May isang taon nang ganito ang sistema namin sa bahay at mistulang hindi ko na ito matagalan.

Pinapatay ako ng pagwawalang bahala ni Daisy sa akin. Ano po ang aking gagawin para maibalik ang kanyang tiwala at pagmamahal?

Gumagalang,

Don

Dear Don,

Sa aking palagay, nananatili pa naman ang pagmamahal sa iyo ng asawa mo kaya nga lang, hindi agad-agad manunumbalik ang kanyang tiwala sa iyo.

Mahirap masira sa pangako ang isang tao lalo pa’t hindi naman niya nakikita marahil na nagbago na ang iyong pagiging mahilig sa babae.

Masakit malaman na naghanap ng ibang babae ang asawa, na parang nagsasabing wala ka nang interes sa kanya. Suklian mo ng pasensiya ang trato sa iyong asawa. Ligawan mo siya uli at laging isama sa mga lakad mo para maalis ang kanyang duda. At higit sa lahat, kailangan talagang baguhin mo ang sarili kung nais mong buo ang iyong pamilya.

Dr. Love

AKO

ANO

ASAWA

DANGAN

DEAR DON

DR. LOVE

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with