^

Dr. Love

Kulang sa pangaral

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalangin ko na sa pagdating sa palad mo ng aking sulat ay nasa mabuti kang kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Sion, 52-anyos at namumroblema sa aking anak na dalaga na masyadong liberated. Siya ay 22-anyos na.

Sa pagkakaalam ko ay marami siyang boyfriend at madalas ay inuumaga siya ng pag-uwi. Nagtatrabaho siya bilang saleslady at kung pera ang pag-uusapan ay sagana siya.

Nag-iisa ko siyang anak, sa asawa kong na­matay nung isang taon.

Nagtataka ako kung saan nagmumula ang pera niya. Siya ang nakapagpundar ng lahat ng mga appliance namin sa bahay.

Natatakot ako na baka ipinagbibili niya ang kanyang sarili. Minsang nag-usisa ako ay siya pa ang nagalit.

Ano ang nararapat kong gawin?

Sion

Dear Sion,

Sa palagay ko’y nasa wastong gulang na ang anak mo pero hindi nangangahulugan na malaya na siyang makapagpapasya sa kanyang sarili dahil siya ay nasa poder mo pa.

Magalit man siya sa iyo, katungkulan mong pangaralan siya sa mali niyang ginagawa.

Maaari mo namang gawin ang pangangaral sa kanya sa paraang mahinahon para maiha­yag mo sa kanya na labis ka lang nababahala tungkol sa kanya.

Hindi kita sisisihin pero dapat sana’y ginawa mo na ‘yan nang siya ay bata pa. Pero hindi pa huli ang lahat. Kung nagkukulang ka sa pa­ ngaral sa kanya, gawin mo na ito ngayon.

Dr. Love

ANO

DALANGIN

DEAR SION

DR. LOVE

MAAARI

MAGALIT

MINSANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with