^

Dr. Love

Mga biyanan ang sumusuyo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Panay po ang bisita ng aking mga biyanan sa bahay ng aking mga magulang. Una raw, sabik na silang makita kaming mag-iina at pangalawa, makiusap na kung may nalalabi pa akong kahit kaunting pagtingin sa aking asawa, magkasundo na kami uli.

Sila na raw ang gumagarantiya na nagbago na si Poldo at hindi na mauulit ang pananakit nito sa akin. Sinabi ko sa aking mga biyanan, napatawad ko na ang kanilang anak sa bugbog-saradong ginawa nito sa akin sa tuwing malalasing siya at kung wala akong maibigay na perang pantaya sa karera.

Wala na kako silang ikakabahala dahil hindi na ako magsasampa ng kaso. Ang hindi ko lang ma­ta­tanggap ay mawala ang respeto ko sa sa­rili­ kung babalik pa ako sa kanya at tanggapin ang pinagkakalat niya sa buong barangay na kaya niya ako binubugbog ay dahil nakiki­pag­relasyon ako sa ibang lalaki.

Masakit ang mabugbog at masampal. Pero mas masakit ang pagbintangan ng hindi totoo at walang basehan. Wala na siyang respeto at tiwala sa akin, lalo na ako sa kanya kaya paano pa ako babalik?

Hanggang ngayon ay nanunuyo pa ang mga biyanan ko sa akin. Pero mahirap pong paniwalaan na nagbago na si Poldo. Mas titiisin ko pang patayin ang katawan sa trabaho para kumita at maitaguyod ko ang aking mga anak. Tama lang po ba ang desisyon kong ito? 

Maraming salamat po at good day to you Dr. Love.

Gumagalang,

Anna

Dear Anna,

Ikaw ang makakaalam kung sinsero sa pag­­babago ang iyong asawa dahil higit sa lahat, ikaw ang mas nakakakilala sa kanya. Anu’t ano man ang maging desisyon mo, subukan mo munang siyasatin ang kalooban mo baka naman makakita ka pa kahit maliit na pag-asang mabigyan ng isa pang pagkakataon ang iyong asawa.

Pag-aralan mong mabuti ang kalooban mo para wala kang pagsisihan sakaling tuluyang hindi mo na balikan ang iyong asawa at ang epekto nito sa inyong mga anak.

Hingin mo ang patnubay ng Maykapal para dito.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANU

DEAR ANNA

DR. LOVE

PERO

POLDO

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with