^

Dr. Love

Huwag maniwala sa sabi-sabi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago ang lahat ay binabati muna kita pati na ang mga walang sawang sumusubaybay sa iyong malaganap na column.

Ako po ay si Arnel. Hindi ko na ibibigay ang buo kong pangalan.  Isa po akong OFW na nagtatrabaho sa Dubai at sa loob ng dalawang taong pagtatrabaho ko ay nakarating sa akin ang sumbong na may kinalolokohang lalaki ang aking asawa.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na puro tsismis lang ang mga balitang yaon. Pero matapos ang ilang buwan ay masyado na akong nababahala at hindi makatulog. Kaya naisipan kong umuwi sa Pilipinas. Hindi ako nagpasabi kahit sa asawa ko na magbabalik-bayan ako.

Mula sa airport ay nagtaksi lang ako at pagdating ko sa amin, nakita kong maayos na maayos ang aming bahay at naroroon ang misis ko na inaalagaan ang aming dalawang anak.

Maling-mali ito sa mga ibinalita sa akin na napapabayaan ng asawa ko ang aming bahay dahil may kinalolokohang lalaki.

Nasurpresa siya sa aking pagdating at niyakap ako na umiiyak. Sabi niya miss na miss niya ako. Nalaman ko na puro paninira lang ang nabalitaan ko dahil ang lahat ng naipundar ko sa pagtatrabaho ay naroroon. Maayos na tahanan na kumpleto sa gamit at may sari-sari store pa kami.

Parang na-guilty ako pero nawala naman ang aking pagdududa sa aking asawa.  Hindi ko na sinabi pa sa kanya ang nabalitaan ko at nagbalik ako sa Dubai na masaya at wala nang pagdududa. Sana magsilbing aral ito sa ibang katulad ko. Huwag maniwala sa sabi-sabi.

Arnel

Dear Arnel,

Thank you sa sulat mo na kakaiba. Imbes humingi ng payo ay ikaw pa ang nakapagbigay ng magandang advice sa iba.

Tama ka. Hindi dapat paniwalaan agad ang mga sabi-sabi dahil maraming tao na masaya yata kapag may nawawasak na relasyon.

Congratulations sa pagkakaroon mo ng asawang uliran.

Dr. Love

 

AKO

ARNEL

DEAR ARNEL

DR. LOVE

DUBAI

HUWAG

IMBES

ISA

KAYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with