^

Dr. Love

Gustong magpakasal uli

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko pong ihingi ng payo sa inyo kung paano ako mauunawaan ng aking anak, tungkol sa kagustuhan ko na magpakasal muli sa aking karelasyon na si Daniel.

Kapwa po kami balo ni Daniel, may dalawa siyang anak sa yumao niyang asawa at ako naman ay ang dalagita kong si Raquel.

Nang ipagtapat ko po sa aking anak ang plano naming pagpapakasal ay humagulgol po siya ng todo dahil hindi ko na raw siya mahal at tuluyan ko na raw kinalimutan ang alaala ng kanyang ama.

Sinubukan ko po na ipaliwanag sa kanya ang lahat, Dr. Love pero sarado po ang tenga niya at ayaw tumanggap ng kahit anong dahilan sa aking muling pagpapakasal.

Mahal na mahal ko po si Raquel at sa limang taon na pagpanaw ng kanyang ama ay naging tapat po akong asawa. Pero may mga panga­ngailangan po ako bilang babae na natutugunan ni Daniel. Masaya po ako sa kanyang piling at natitiyak kong mahal ko po siya.

Sa ngayon po ay masama ang loob sa akin ng aking anak. Ayaw ko po na lumala pa ang sigalot na ito sa pagitan namin. Pero hindi ko po alam kung paano magsisimulang apulahin ang negatibong emosyon sa panig ng aking anak.

Ano po ba ang tamang gawin para mauna­waan ako ng aking anak? Dapat ko po ba siyang ipakiusap kay Daniel? Hihintayin ko po ang mahalaga ninyong payo.

Gumagalang,

Corazon

Dear Corazon,

Hindi pa handa ang iyong anak sa pagbabagong gusto mo. Dahil para sa kanya ay nananatiling ikaw, ang kanyang yumaong ama at siya lang ang pamilya  niya, wala ng iba.

Sa ngayon hayaan mo lang siya, dahil hindi makakatulong kung ipipilit mo sa kanya ang bagay na ayaw niyang tanggapin. Kakailanganin mo at ng iyong karelasyon ang mahabang pasensiya, na naniniwala akong mas effective kung sasamahan ninyo nang may pagmamahal na  panunuyo kay Raquel. Hindi ito magiging madali sa umpisa. Pero kung magiging consistent kayo, natitiyak ko na magiging maayos din ang lahat.

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

ANAK

ANO

AYAW

DEAR CORAZON

DR. LOVE

PERO

RAQUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with