^

Dr. Love

Huwag ibenta ang karangalan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

A very warm greetings sa iyo at sa mga masugid mong mambabasa.

Tawagin mo na lang akong Cely, 21-anyos at working student. Kapwa patay na ang parents ko at ang mga kapatid ko ay nasa abroad.

Isang tiyo ko ang kumupkop sa akin pero mahirap din siya kaya hindi niya maitataguyod ang aking pag-aaral. Kaya nagtatrabaho ako bilang saleslady sa isang kilalang mall at nag-aaral sa gabi. Hindi ako puwedeng mag-full load kaya siguro’y tatlong taon pa bago ako makatapos.

May nanliligaw sa akin. Nakilala ko siya habang namimili sa mall. May edad na pero ma­­yaman. Inaalok niya akong magsama kami at pag-aaralin niya ako. Ang problema ay may pa­milya siya.

Natutukso akong tanggapin ang alok niya pero nagdadalawang-isip ako dahil papangit ang aking reputasyon.

Tulungan mo akong mag-decide.

Cely

Dear Cely,

Kung nasa katayuan mo ako, malakas talaga ang ganyang tukso. Pero tama ka. Ang kara­ngalan ay higit na mahalaga kaysa ano mang bagay.

Tutal ay naitataguyod mo naman ang iyong sarili kaya manatili ka na lang bilang working student.

Sa edad mo ngayon, siguro’y makaka-gra­duate ka ng 25 years old. Hindi pa ma­tanda iyan. Kaya huwag kang mag-apura at magtiyaga ka na lang.

Kapag nakatapos ka, maipagmamalaki mo na nakatapos ka ng pag-aaral nang hindi mo ibinenta ang iyong karangalan.

Dr. Love

AKO

CELY

DEAR CELY

DR. LOVE

INAALOK

ISANG

KAPAG

KAYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with