^

Dr. Love

Gustong bawiin ang karapatan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinagbubuntis pa lang noon ng aking girlfriend na si Daisy ang aming magiging anak nang tapatin ang kanyang mga magulang na hindi ko mapapanagutan ang bata.

Hindi dahil ayaw ko, Dr. Love. Kundi dahil wala akong kakayahang bigyan siya at si Precious ng maayos na buhay. Wala po noon akong trabaho at hindi pa tapos sa pag-aaral.

Isang waiver ang pinirmahan ko noon na nagsasabing hindi ako maghahabol sa res­ponsibilidad bilang magulang bata, dahil hindi rin naman kami kasal ng aking girlfriend.

Mabilis na lumipas ang maraming taon, ma­laki na ang aming anak at nabalitaan kong ikakasal na ang ex-girlfriend ko sa lalaking handang bigyan ng pangalan ang aking anak.

Iniisip ko po ngayon kung posibleng ma­isulong ko ang aking karapatan bilang magulang nang hindi maaapektuhan ang bata. Dahil may trabaho na po ako ngayon at kaya ko nang magsustento.

Wala pa akong asawa hanggang ngayon at ang karanasan ko sa pag-ibig ay naka­apekto sa akin ng malaki sa pagpili pa lang ng liligawang babae. Sana matulungan ninyo ako sa pamamagitan ng payo kung dapat ko pang isulong sa korte ang karapatan ko sa anak.

Salamat po.

Gilbert

Dear Gilbert,

Wala pa man ay iniwan mo na noon ang iyong girlfriend dahil hindi ka pa kamo handa sa pagpapamilya. At pinagtibay ito ng waiver na pinir­mahan­ mo, bilang patunay na tinatanggal mo ang karapatan mo bilang magulang ng sanggol. Kaya sa mga panahong pi­na­ka-kailangan ka ng iyong mag-ina ay wala ka sa tabi nila.

Tapos heto nga ngayon, kung kailan malapit nang maging ganap ang pagkakaroon ng buong pamilya para sa iyong mag-ina ay nagbabalak kang maghabol ng iyong karapatan para sa bata? Napaka-unfair mo naman.

Wala akong sapat na kaalaman tungkol sa batas, kaya sa abogado ka magtanong tungkol sa usaping legal ng balak mo. Sana isipin mong mabuti ang magiging resulta ng lahat bago mo ito ituloy.

Dr. Love

vuukle comment

DAHIL

DEAR GILBERT

DR. LOVE

INIISIP

IPINAGBUBUNTIS

SANA

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with