Live-in muna bago kasal?
Dear Dr. Love.
Naguguluhan po ako ngayon kung itutuloy ko pa ang plano namin ng nobyo ko na mag sama muna sa ilalim ng isang bubong bago kami pakasal.
Una, hindi pabor ang aking ina sa aking paÂkikipag-live in kay Dindo kung walang basbas ng kahit pari o judge. Ano aniya ang dahilan kung bakit pa kailangang magsama muna bago ikasal? Takot po kasi si Dindo na baka hindi maganda ang aming pagsasama at mauuwi lang sa hiwalayan.
Pangalawa, lately, napuna ko na si Dindo ay hindi marunong magbigay respeto sa aking privacy at kahit personal na komunikasyon ko, binubuksan niya na parang may gustong tuklaÂsing kung ano tungkol sa akin.
Kahit pareho na kaming nasa age of matuÂrity, ang damdamin at imahen ng aking paÂmilya ay hindi ko kayang ipagwalang bahala sa usapin ng pakikipagrelasyon.
Dapat sana maunawaan ko si Dindo dahil mayroon siyang dala-dalang bagahe ng nakalipas, pero ang iniintindi ko rin naman ay ang magiging epekto ng isang nasirang samahan sakali’t hindi kami magkasundo ng boyfriend ko.
Ang feeling ko, wala pang ganap na tiwala sa akin si Dindo matapos siyang iwanan ng dati niyang nobya noon.
Maraming salamat po at hihintay ko ang inyong mahalagang payo.
Gumagalang,
Brenda
Dear Brenda,
Tulad ni Dindo, ikaw man ay hindi kampante na ipagbakasakali ang kalalabasan ng isang relasyon. Pero dahil ikaw ay isang babae na siyang apektado ng malaki sa break-up ng isang relasyon, siyempre kahit pa sabihing moderno na ang panahon ngayon mahalaga pa rin ang kasal muna bago pagsasama ng isang babae at lalaki.
Kung pagpapakasal din lang ang pagtatapusan ng isang pagsasama, bakit kailangan pa ang live-in?
Ang kaligayahan at tagumpay ng isang samahan ng mag-asawa ay nakasalalay lang naman sa adjustment ninyo sa isa’t isa…pagsisikap na magkaunawaan at may respeto sa isa’t isa. Kailangan din na may tiwala kayo sa bawat isa bilang lifetime partner.
Pag-aralan mong mabuti ang sarili at pag-usapan ng mahinahon ang plano ni Dindo para walang sisihan sa dakong huli.
Dr. Love
- Latest
- Trending