^

Dr. Love

Not the marrying kind

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay malugod akong bumabati sa iyo at sa madlang tagasubaybay ng malaganap mong column.

Hindi ko na sasabihin ang buo kong pa­ngalan. Tawagin mo na lang akong Leroy, 26- anyos at isang binata.

May kasintahan ako. Tawagin mo na lang siyang Irma, 25-anyos. Mahal na mahal ko siya at niyayaya ko nang magpakasal dahil may trabaho naman akong matatag pero ayaw pa niya.

Kulang na lang sa amin ay kasal dahil ilang ulit na kaming nagtatalik. Nagtataka ako dahil parang puro sex lang ang gusto niya. Kapag nauungkat ko ang kasal ay inilalayo niya ang usapan.

Alam kong hindi na siya virgin nang maging akin siya pero mahal ko siya. Paano ko siya mahihimok magpakasal?

Leroy

Dear Leroy,

Sa tingin ko, ang kasintahan mo ay isa sa mga tinatawag na liberated at malayo sa kanyang isip ang pagpapakasal.

Hindi ako pabor sa pagtatalik ng walang kasal dahil labag sa Salita ng Diyos, kaya ang maipapayo ko’y itigil n’yo na iyang ginagawa n’yong ganyan.

Kung sadyang ayaw niyang magpakasal, ang payo ko’y makipagkalas ka na sa kanya dahil hindi siya ang uri ng babaeng dapat pakisamahan nang habambuhay.

Maraming babae riyan na mas angkop sa iyong pag-ibig. Limutin mo ang ganyang uri ng babae.

Dr. Love

ALAM

DEAR LEROY

DIYOS

DR. LOVE

IRMA

KAPAG

LEROY

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with