^

Dr. Love

Teen Lover

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong  Lisa, isang guro sa isang exclusive boy’s school.

English subject ang itinuturo ko sa high school. Nagulat na lang ako nang magkaroon ako ng manliligaw na student ko.

Siya ay 16-anyos lang at matalino. Isa pang hinahangaan ko sa kanya ay responsable siya at napaka-mature sa kanyang outlook sa buhay.

Nagulat ako nang padalhan niya ako ng love letter. Una’y natawa ako at lihim ko siyang kinausap after the class at sinabi kong hindi kami nababagay dahil ako’y mas matanda sa kanya ng pitong taon at teacher pa niya ako.

Pero persistent siya at ayaw akong tantanan. Ano ang gagawin ko para kalimutan niya ang panliligaw sa akin?

Lisa

Dear Lisa,

Panatilihin mo lang ang attitude mo sa kanya bilang guro without antagonizing him.

Treat him like a friend and a kid brother at naniniwala ako na kahit sinasabi mong mature siya ay isa lang infatuation ang nadarama niya para sa iyo.

Wika nga, daanin mo sa diplomasya ang lahat­.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR LISA

DR. LOVE

ISA

LISA

MAGANDANG

NAGULAT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with