^

Dr. Love

Hindi mapatawad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Unang-una sa lahat ay ang taos-puso at mainit kong pagbati sa iyo at sa bawat masugid na suki ng iyong pitak.

May limang taon na akong sumusubaybay sa Dr. Love at hinahangaan ko ang mga payong ibinibigay mo sa mga taong may problema sa pag-ibig. Isa na ako sa kanila at umaasa akong malulutas ang aking suliranin sa pamamagitan ng payo mo.

Ako po si Cita, 36-anyos at tindera ng gulay sa palengke. Isang baldado ang asawa ko. Pa­lagay ko’y karma ito sa kanya dahil noong araw ay lasenggo siya at lagi akong sinasaktan.

Kaloob na siguro ng Diyos na magka­ganyan siya para matuldukan ang kalupitan niya sa akin. Sa kabila nito’y ginagampanan ko ang tungkulin ko bilang asawa niya. Ina­alagaan ko siya. Pinaliliguan, binibihisan at sinusubuan. Kahit pabulul-bulol ay humihingi siya ng tawad sa ginawa niya sa akin pero sa puso ko, hindi ko siya mapatawad.

Kahit may mga manliligaw ako ay hindi ko pinapatulan dahil alam kong kasalanan.

Paano ko maiwawaksi sa puso ko ang galit at tuluyan ko siyang mapatawad?

Cita

Dear Cita,

Batid mo ba na lahat tayo ay makasalanan sa mata ng Diyos? Roma 3:23, “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi umabot sa kalu­walhatian ng Diyos.”

Sa kabila niyan ay pinatawad tayo ng Diyos dahil sa pananampalataya natin kay Hesu­kristo. Sabi sa Roma 6:23, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan pero ang handog ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Kristo-Hesus.” Oo, walang kasalanang hindi puwedeng patawarin ng Diyos sa taimtim na humihingi nito.

Kung magkagayon, matuto ka rin na magpatawad kung ibig mong mapatawad ng Diyos sa iyong mga sala. Ang kapatawaran ay hindi base sa nararamdaman mo kundi isang desisyon na dapat mong gawin para tuluyang kumawala ang galit sa iyong puso.

Dr. Love

BATID

CITA

DEAR CITA

DIYOS

DR. LOVE

HESU

KAHIT

ROMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with