^

Dr. Love

Inaaya nang magtanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sariwang mga rosas para sa inyo, Dr. Love. Pangungumusta po ito at pagbati na rin ng Happy Valentine’s Day.

Gumugulo po sa isip ko ngayon ang pag-aaya sa akin ng boyfriend kong si Danny na magtanan sa muling pagbabalik-bayan niya. OFW po siya sa Dubai, nasa first class hotel po siya. Ako naman ay nurse sa isang government hospital sa Dubai.

Nagkakilala po kami sa isang website at marahil ang pagkakahawig namin ng estado­ sa buhay ang naglapit sa amin sa bawat isa. Gaya ko, nagtatrabaho rin siya para ma­ba­yaran ang pagkakautang ng pa­milya. Sa kanya ang ginastos sa pagpapa­ga­mot ng kanyang ama, ako naman ay para sa pagkatubos ng aming bahay at lupa.

Matatapos na raw si Danny sa kanyang pagbabayad kaya nagyayaya na siya. Pero ako ay hindi pa at hindi ko ma-take na basta talikuran na lang ang mga magulang at ka­patid ko na lubog sa utang, na kalaunan ay maa­aring mawalan ng tirahan.

Mahal ko po si Danny, Dr. Love. Kung kayo po ang nasa kalagayan ko, ano po ang magagawa ninyo para maging maligaya kami nang hindi mapapabayaan ang aking pamilya?

Payuhan mo po ako. Maraming salamat.

Gumagalang,

Abigail

Dear Abigail,

Subukan mo munang i-open kay Danny ang bumabagabag sa iyo tungkol sa kanyang pag-aaya sa iyo. Maaaring may paraan siya na makakapagpagaan sa sitwasyon. Hu­wag ka masyadong ma-pressure dahil kung tunay at wagas ang pagtatangi sa iyo ng iyong nobyo, maiintindihan ka niya.

Naniniwala ako na hindi dapat maging obli­gasyon ng anak ang kakulangan ng magulang. Pero laging may pagpapala kung nag­­mamalasakit ang anak sa magulang. Magi­ging magaan pa naman ang lahat sa inyo dahil kung sakali, nasa pagsisimula pa lamang kayo at later on na ang posibleng pagkakaroon ninyo ng anak.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR ABIGAIL

DR. LOVE

DUBAI

GAYA

GUMAGALANG

HAPPY VALENTINE

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with