Maling akala sa pagmamahal
Dear Dr. Love,
Noong una ay ayaw kong paniwalaan ang obserbasyon ni Danilo na ang extra attention na ibinibigay sa kanya ng nag-iisa kong anak na si Delsa ay mayroong ibang intensiyon.
Fifteen years old ang anak ko at bata pa nang maulila sa ama. Ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang palagi niyang paghingi ng pabor kay Danny, ang pagsingit niya lagi sa aming mga lakad at laging paghihintay sa araw ng dalaw ni Danny sa akin.
Si Danny ang best friend ng yumao kong asawa. Bago siya nanligaw sa akin, si Danny ay nagpakita na ng interes sa akin dangan nga lang at kahit huli, si Art ang talagang kursunada ko.
Si Danny ang best man sa aming kasal, at nang magkasakit si Art, siya ang nag-iisang karamay ko sa lahat sa pag-aalaga at gastos sa pagpapagamot.
Hindi naman kataka-takang sa pagyao ni Art, si Danny uli ang nagmistulang timog ng aking maliit na pamilya sa pagbangon pagkaÂraan ng unos. Siya ang nagmistulang ama ni Delsa.
Nang sabihin sa akin ni Danny na kailangan na naming magpakasal para gawing legal ang pananatili niya sa buhay naming mag-ina, tinutulan ito ni Delsa. Siya raw ang love ni Danny at kinamuhian niya ako. Ano po kaya ang mabuti kong gawin Dr. Love para maipakita sa anak ko na walang ibang interes sa kanya si Danny at mahal siya nito bilang anak?
Hindi ko po gustong magrebelde si Delsa at nais kong matanggap niya si Danny sa buhay niya bilang isang ama.
Maraming salamat at more power.
Gumagalang,
Anita
Dear Anita,
Si Danny ang higit na makakatulong sa iyo para maiparating kay Delsa na ang pagtingin na ibinibigay niya dito ay gaya ng para sa isang anak. Marahil, makatutulong din na malaman ni Delsa na ang pagmamahal ni Danny sa iyo ay mas nauna pa kaysa sa kanyang Daddy.
Sa tingin ko, ang anak mo naman ay hindi unreasonable at matatanggap niyang mali siya sa paniniwalang hindi pagmamahal ng ama ang ibinibigay sa kanya ng best friend ng daddy niya.
Dr. Love
- Latest