^

Dr. Love

Binabantaan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa alias na Rommy, 20 anyos. A month ago, sinagot ako ng nililigawan ko. Bago ko pa lang siya nakikilala sa isang party­ ng common friend namin.

‘Di ko alam na mayroon palang may sama ng loob sa akin na nabalitaan kong balak akong patayin. Isa siyang dating manliligaw ng siyota ko.

Sabi raw niya, kababagong dating ko lang ay ako ang sinagot ng girlfriend ko samantalang siya’y matagal nang nanliligaw.

Tini-text niya ang siyota ko at sinasabing may mangyayaring masama sa akin.

Pero kahit bahagya akong natatakot ay patuloy kong inihahatid ang aking siyota sa kanila sa tuwing lalabas kami at wala namang nangya­yaring masama sa akin kaya medyo nagiging kampante ako.

Pero minsan, nang papauwi na ako matapos kong ihatid ang girlfriend ko ay may mga humarang sa akin at sinabing huwag na akong magpapakita sa lugar na iyon. Ano ang aking gagawin?

Rommy

Dear Rommy,

Ipa-blotter mo sa pulisya o kahit sa barangay ang banta sa iyong buhay. Huwag naman sa­ nang may mangyaring masama sa iyo pero kung sakali (huwag namang ipahintulot ng Diyos­) ma­tutukoy agad kung sino ang gumawa ng kala­­pastanganan sa iyo. Mag-usap din kayong magkasintahan. Makabubuting huwag ka nang magpapa-dis-oras ng gabi para maiwasan mong may mangyari sa iyong masama.

Dr. Love

ANO

DEAR ROMMY

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

PERO

ROMMY

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with