^

Dr. Love

Hindi puwedeng paghambingin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May isang linggo na po ang nakakalipas matapos magkalas kami ng aking boyfriend na si Dave. Ang hinihintay kong pagtawag niya, paghingi ng sorry at pakikipagbati ay hindi nangyari.

Parang tinitikis niya ako. Ang dinig ko mula sa kanyang best friend na si Andy, nag-file ng vacation leave si Dave para mag­tungo daw sa Singapore.

Napakasimpleng bagay lang ang hindi namin napagkasunduan ni Dave nang ma­ganap ang una naming tampuhan.

Hindi ko kasi mapigilan na paghambingin sila ng ex-boyfriend ko. Kasi ang dati kong nobyo na sumakabilang buhay sa leukemia ay sobrang mapagbigay, very sweet siya at maunawain.

Iyon lang at nagalit na si Dave. Hindi ko pa raw nalilimutan ang dati kong nobyo at kung laging siya ang magiging huwaran ko ng mga katangian ng kasintahan, wala siyang kalaban-laban sa isang patay.

Hiningi ko sa kanya na mag-apologize sa sinabi niya dahil wala itong basehan. Pero winalang bahala niya ang hiling ko. Masama ang loob ko kay Dave dahil sa paglapas­ta­ngan niya sa alala ng yumao kong ex.

Sa puso ko, alam kong mahirap parisan ang dating nobyo pero mahal ko naman si Dave. Sa palagay po ba ninyo, dapat ako ang humingi ng sorry kay Dave?

Hindi ko po puwedeng isuko sa kanya ang aking paninindigan na ang gunita ng isang yumao ay dapat na irespeto.

Maraming salamat po at hintay ko ang inyong payo.

Rosy

Dear Rosy,

Ang magkasintahan ay dapat may una­waan antimano kung anu-ano ang mga ba­gay o isyu na dapat irespeto ng isa’t isa, ang paninindigan para makaiwas sa sigalot at samaan ng loob.

Hindi maiiwasang magdamdam si Dave sa lagi mong paghahambing sa kanya sa yumao mong ex. May katwiran siya dahil wala nga naman siyang panama sa isang yumao na.

Kung hindi mo kayang ikaw ang siyang humingi ng paumanhin, hindi mo mahihintay na si Dave ang gumawa ng unang hakbang para kayo ay magbati. Kung mahal mo si Dave, ikaw na ang kusang makipagbati. Wala kang pagsisisihan sakali’t tumanggi siya sa alok mong truce.

Dr. Love

 

ANDY

DAVE

DEAR ROSY

DR. LOVE

HININGI

IYON

KASI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with