Pumatol sa may-asawa
Dear Dr. Love,
Isa po akong masugid na tagasubaybay ng inyong malaganap na column. Gusto ko pong bigÂyang-daan ang sinapit ng aking nakakatandang kapatid, na pumatol sa may-asawa dahil sa pag-ibig.
Naniwala ang ate ko na tunay ang pagmamahal sa kanya ng isang lalaki, na pamilyado na. At sa sobrang paniniwalang tunay ang sinasabi ng laÂlaki, nakumbinsi siyang bumili ng rights ng lupang pinaniwala sa kanya na pag-aari ng gobyerno, na kalaunan aniya ay maaaring ariin bilang beneficiary. Sa lote pong ito nagpatayo ng kanyang bahay ang kapatid ko.
Pero ang lahat ay nauwi sa matinding sama ng loob ng aking ate, dahil niloko lamang siya ng lalaki matapos mahuthutan. Nakasuhan pa ang kapatid ko dahil sa ilegal ang pagtatayo niya ng bahay sa napatunayang pribadong lote.
Bago pa man tuluyang matalo sa kaso si Ate ay unti-unti nang dumidistansiya si Nilo sa kanya. Nagpaalam ito sa kapatid ko na uuwi muna sa kanyang tunay na pamilya dahil nabuko na raw siya ng kanyang misis. At para maiiwas ang ate ko sa eskandalo ay pakakalmahin muna raw niya ang kanyang asawa.
Naubos na pang-legal fee ang naitatabi niyang pera mula sa pinarerentahang mga kuwarto sa pinatayo niyang bahay, na tuluyang giniba.
Dito inatake ang kapatid ko at ngayon ay inaÂalagaan naming magkakapatid. Awang-awa ako sa kapatid ko dahil sa sinapit niya. Sana magsilbing leksiyon ito sa mga inosenteng babae na napapaniwala sa matatamis na pangako ng lalaking nagkukunwaring tupa pero isa palang mabangis na asong gala.
Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.
Gumagalang,
Francia ng Bicolandia
Dear Francia,
Hindi dapat tayong nagbubulag-bulagan at nag bibingi-bingihan sa mga kahina-hinalang intensiyon ng taong nagkukunwaring mabait pero iba ang layunin, dahil lang sa mahal natin ang taong ito.
May mga bahagi ng kwento na nalalabuan ako. Gaya nang tungkol sa lupa. Maraming paraan para makumpirmang pribado ang isang lupa. At hindi ito basta mapapatayuan ng bahay sakaling tunay na may nagmamay-ari nito.
Magkagayunman, alam ng ate mo na pamilÂyado ang lalaking pinakisamahan niya pero nanaÂtili siya sa pakikipagrelasyon. Sa sitwasyong gaÂnito, laging babae ang talunan.
Maraming salamat sa pagtitiwala mo at siguradong kinapulutan ito ng aral ng ating mga readers.
Dr. Love
- Latest