^

Dr. Love

Noon pa kursunada

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakakatatlong taon na mula nang pumanaw ang aking asawa dahil sa atake sa puso. Masasabi ko na nakapag-adjust na ako sa pagiging balo dahil dating nakadepende ako sa kanya sa maraming bagay, lalo na sa mga mahahalagang pagdedesisyon para sa pamilya.

Mahigit 40-anyos lang po ako, Dr. Love kaya hindi naging mahirap na makabalik ako sa da­ting pinagtatrabahuhang ahensiya ng gobyerno. Pinahinto po kasi ako noon ng mister ko nang manganak ako sa aming panganay.

Hindi naman po kami kinakapos dahil may tulong pinansiyal ang asawa ko galing sa kanyang kuya na nasa Amerika. Matandang binata po si Manong Robin. Ang totoo po, bago ko naging nobyo ang aking asawa ay nahiwatigan ko na kursunada niyang manligaw sa akin.

Sa maliit naming komunidad, hindi malilingid sa mga tsismoso at tsismosa kung sino ang nililigawan at nais ligawan. Hanggang palipad hangin lang po noon si Manong Robin dahil naunahan na siya ng nakababatang kapatid. Nang ikasal kami, nasa Amerika na po siya. 

Naging malaking tulong po sa amin ang sustento ni Manong Robin lalo na nang magkasakit na ang mister ko. Nang hindi na makaligtas sa sakit ay agad na umuwi ang kuya niya at siyang sumagot sa hospital bills at gastos sa pagpapalibing.

Bago po siya bumalik ng Amerika, sinabi niyang tuloy ang buwanang sustento para sa aming mag-iina. Tinanggihan ko po pero iginiit niya dahil ‘yun daw ang pangako niya sa yumaong kapatid.

Noong una po ay memo notes lang ng pa­ngangamusta ang kalakip ng sustento ng aking bayaw pero nang kalaunan ay isang mahabang sulat na ang kalakip nito. Nagpo-propose na po siya ng kasal.

Hindi ko po alam kung ano ang isasagot ko sa aking bayaw.  Mahal daw niya ako noon pa man. Ano po ba ang dapat kong gawin? Pabor naman sa plano niya ang aking mga biyenan at ang aking ina. Pagkakasal anya, dadalhin niya kaming mag-iina sa US at doon na mag-aaral ang dalawang bata na ina-adopt niya bilang anak.

Payuhan mo po ako. 

Gumagalang,

Tina

Dear Tina,

Bata ka pa at hindi malayong kailanganin mo talaga ng makakatuwang para sa iyong mga anak. Kaysa humanap ng iba, mas makakatiyak ka na mahal ng bayaw mo ang iyong mga anak. Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang sarili na mahalin ang iyong bayaw? Tutal may basbas naman ng inyong mga magulang. Kung ano ang maramdaman mo ay saka ka magpasya kung tatanggapin mo ang proposal niya. Huwag mo rin kalimutan na i-open ang tungkol dito sa iyong mga anak. Makakatulong ito para maging buo ang desisyon mo.

DR. LOVE

AKO

AMERIKA

DEAR TINA

DR. LOVE

MANONG ROBIN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with