Binabalikan ng suitor
Dear Dr. Love,
Pleasant day to you and your circle of readersÂ. Call me Lyka, 20 years old and I write this letter on the first day of the year 2013.
Sana ay okay ang iyong kalagayan sa pagtanggap mo ng letter ko.
Kabi-break ko lang sa aking boyfriend at ngayo’y binabalikan naman ako ng aking first suitor.
Tawagin mo na lang ang first suitor ko na Elmo, na matapos magtapat sa akin ay bigla na lang nag-disappear kahit hindi ko pa siya sinasagot.
Sabi niya sa akin, biglaan ang pagpunta niya sa US dahil ‘yon ang gusto ng kanyang mga magulang at after one year ay nagbalik siya. In fairness, inamin niyang nagkamali siya at nag-sorry.
Gusto ko sana si Elmo pero parang malaking panloloko ang ginawa niya sa akin. Mano man lang nagpaalam siya pero hindi niya ginawa.
Dapat ko ba siyang sagutin?
Lyka
Dear Lyka,
Ikaw lang ang makasasagot sa tanong mo. Depende sa feeling mo para sa kanya. Kung mahal mo siya ay bakit hindi mo sagutin?
Wala namang taong hindi nagkakamali at isa na si Elmo sa mga ‘yon. Hindi naman kalakihan ang ginawa niyang kasalanan kaya kung ako ikaw ay patatawarin ko siya.
Dr. Love
- Latest