^

Dr. Love

Buksan muli ang puso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang beses na po akong nabibigo sa pag-ibig kaya naman isinumpa ko na sarili na hindi na ako iibig ulit.

Tinakbuhan po ako ng nobyo ko nang malaman na buntis ako. Dahil sa stress, matin­ding pag-aalala, pagpapabaya sa kalusugan ay nalag­lag po ang sanggol na dinadala ko.

Matagal po bago ako naka-recover at mu­ling umibig. Naniwala po ako sa lahat ng mga sinabi niya at pangako pero naging luhaan din po ako sa huli. Dahil sa simula pa lang ay hindi na siya naging tapat. Magkarelasyon na kami nang malaman kong pamilyado pala siya. Halos mabaliw po ako sa sakit, Dr. Love.

Itinutok ko na lang po ang oras ko sa aking propesyon at inilayo ang aking sarili sa tawag ng pag-ibig. Hanggang makilala ko si Allan. Na­ging mabuti kaming magkaibigan hanggang mag­­tapat siya ng damdamin.

Alam po ni Allan ang mga pinagdaanan ko, maging ang takot ko na magmahal uli. Binasted ko na po siya pero hindi raw siya susuko hanggang aminin ko sa aking sarili ang totoong damdamin para sa kanya.

Totoo po may pagtatangi rin ako sa kanya, pero nangingibabaw ang takot. Ang sabi ni Allan, huwag ko raw siya ikumpara sa mga na­unang lalaki sa buhay ko. Ano po ang gagawin ko, Dr. Love?

Maraming salamat at hangad ko ang patuloy na paglaganap ng inyong column.

Gumagalang,

Benilda

Dear Benilda,

Hindi naman nakapagtataka na magkaroon ka ng pangamba sakaling magmahal kang muli. Pero hindi rin naman makakabuti kung ikukulong mo ang sarili sa bangungot ng nakaraan.

Natitiyak kong may paraan para masiguro mo sa iyong sarili na tapat ang bawat salita ni Allan. Huwag mong ipagkait sa sarili mo ang pagkakataon na maging maligaya. Maiksi lang ang buhay, kaya make the most out of it.

Dr. Love

AKO

ALAM

ANO

BENILDA

BINASTED

DAHIL

DEAR BENILDA

DR. LOVE

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with