^

Dr. Love

May balat kaya malas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Happy New Year po, Dr. Love.

Naniniwala po ba kayo na malas ang isang taong may balat saan mang bahagi ng kanyang katawan? Dito po kasi sa usaping ito umiikot ang problema ko.

Mahal ko po si Marina at para sa akin siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ang problema gusto ng nanay ko na hiwala­yan ko siya at lumayo ako sa kanya dahil malas raw ang nobya ko. Ang tanging basehan niya dito ay ang balat ni Marina sa leeg.

Mamalasin daw po ang buhay ko kapag nagka­tuluyan kami ni Marina kaya habang may panahon pa ay humanap na raw ako ng ibang babae na mag­ bibigay ng swerte sa aking  buhay.

Hindi po ako naniniwala sa malapamahiing paniniwala na ito ng aking nanay. Dahil ideyal sa akin ang mga katangian ni Marina. Bukod sa maganda na, isa siyang masipag na babae na hindi nangi­ngiming magbitbit ng basket na puno ng pinamili mula sa palengke at siya ang tumatayong nanay ng kanyang pamilya dahil maaga siyang naulila sa ina.

Ang sabi ko nga, masuwerte ang tatay niya dahil mayroong isang anak na tulad ni Marina na siyang nagba-budget ng suweldo ng ama at nagta­taguyod sa dalawang nakakabatang kapatid na kasalukuyan pa lang nasa high school.

Paano po kaya masasabing malas si Marina sa buhay gayong mapalad ang kanyang pamilya sa pagkakaroon ng isang anak na tulad niya.

Hindi ko gustong maging suwail na anak pero sa punto ng usapin sa puso parang hindi ko ka­yang mapagbigyan ang aking ina.

Mahal ko po si Marina at handa kong patuna­yan sa nanay ko na hindi siya malas kundi magi­ging suwerte siya sa aking buhay.

Payuhan mo po ako kung paano ko mapagba­bago ang paniniwalang ito ng nanay ko.

Gumagalang,

Johnny

Dear Johnny,

Puwede mo namang mapagbago ang pani­ni­wala ng nanay mo nang hindi kailangang ikaw ay maging kontrabida sa kanya.

Ang mga magulang ay nirerespeto at hangga’t maaari hindi natin nais na galitin sila lalo na kung ang napipisil mong pakasalan ay inaayawan niya. Mahal ka lamang ng nanay mo kung kaya’t  hang­ga’t maaari, nais niyang maging maganda ang iyong kinabukasan. Hindi niya nais na ipakipag­ sapalaran ang kinabukasang ito.

Para mawala ang pangamba ng nanay mo, ila­pit mo si Marina sa kanya. Hayaan mong siya mismo ang magsabi ng mga katangian ng babaeng mahal mo. Malimit mong yayain sa inyo si Marina para magkaroon ng pagkakataong magkalapit ng loob ang dalawang babaeng mahal mo sa buhay.

Good luck to you and Happy New Year din.

Dr. Love     

 

vuukle comment

BUHAY

BUKOD

DEAR JOHNNY

DR. LOVE

HAPPY NEW YEAR

MARINA

NANAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with