^

Dr. Love

Bagong buhay, dating gawi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Lani. Una sa lahat ay babati muna ako sa iyo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

Ito’y tungkol sa boyfriend ko ngayon. Tuwang tuwa ako dahil malaki na ang kanyang pinagbago mula nang  nagkarelasyon kami.

Dati siyang basagulero at ilang beses na nademanda dahil sa panggugulpi ng tao. Tawagin mo na lang siyang Art. Noong una’y ayaw ko sa kanya pero sumumpa siyang magbabago kung sasagutin ko.

Naramdaman kong mahal ko siya kaya sinagot ko siya. Alam mo bang nagbagong buhay na nga siya pero ginagawa pa rin niya ang dati niyang ginagawa?

Huwag kang magtaka sapagkat ngayon ay isa na siyang boxer na nag-uumpisa palang at umaasa siyang magkakapangalan sa larangang ito.

Sinusuportahan ko siya sa kanyang hilig at dahil pareho pa kaming bata (kapwa 19-anyos) alam kong darating ang araw at maaabot niya ang kanyang bituin.

Lani

Dear Lani,

Salamat sa sulat mong nakaka-inspire. Talagang ang pag-ibig ay malaki ang nagagawa para magbago ang isang tao.

Pambihira ang nangyari sa iyong boyfriend. Bagong buhay sa dating gawi. Nakatutuwa naman.

Kasama mo ako sa panalangin na makakamit ng iyong kasintahan ang kanyang minimit­hing maging sikat na boxer.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

DATI

DEAR LANI

DR. LOVE

HUWAG

LANI

MALIGAYANG PASKO

MASAGANANG BAGONG TAON

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with