^

Dr. Love

Bokasyon o puso?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mayroon akong ambisyon na pumasok sa seminaryo para magpari. Marami po ang tumulong sa akin para dito. Nangunguna na ang suporta ng aking ina na gustung-gusto na ma­ging pari ako.

Pero isang pagsubok ang hindi ko akalaing darating sa akin. Nagkasakit po ako at naoperahan sa goiter. Doon nakilala ko ang maganda at mabait na nurse, si Leah.

Siya po ang nag-alaga sa akin at naakit ako sa kanya. Bago ako lumabas, nakuha ko na ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya. Pagbalik ko sa seminaryo ay pinagtapat ko sa paring nangangasiwa sa seminaryo ang aking nararanasang pag-aalinlangan. Pinagbakasyon muna nila ako para makapagnilay kung dapat pa bang magpatuloy sa aking bokasyon.

Sa panahong ito ay nagsadya ako sa ospital sa oras ng paglabas ni Leah at niyaya ko siyang magmiryenda. Dito ipinagtapat ko sa kanya ang aking damdamin. Pero buong katapatan niyang sinabi na may boyfriend na siya at hinikayat niya akong bumalik sa seminaryo.

Parang bombang sumabog ang sinabi ni Leah pero natanggap ko na rin po. Gayon man ay nananatili ang aking pag-aalinlangan na bumalik sa nasimulang pagpapari.

Dismayado po ang aking nanay sa desisyon ko kaya may guilty feelings po ako tungkol dito. Ano po ba ang dapat kong gawin? Maraming salamat sa pagbibigay ninyo ng oras para mabasa ang sulat ko.

Gumagalang,

Virgilio

Dear Virgilio,

Hinahangaan kita at ang katapatan mo sa iyong nararamdaman. Para sa akin ay pinakamabuti pa rin na maging tapat ka hindi lamang sa iyong sarili, kundi maging sa lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo.

Dapat mong tandaan na may mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Sa kaso mo ay kaugnay sa paghahati ng iyong damdamin at bokasyon.

Para mas makatiyak ka sa iyong pinal na desisyon, huwag kang makalimot na hingin ang gabay ng Lumikha para mas maging malinaw para sa iyo ang kalooban Niya.

DR. LOVE

 

AKING

AKO

ANO

DAPAT

DEAR VIRGILIO

DR. LOVE

LEAH

PARA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with