^

Dr. Love

Closet queen

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Just call me Leslie. Mayroon akong boyfriend for three months as of this writing. Tawagin mo na lang siyang Bench.

Nagustuhan ko siya dahil gentleman. Kaso may nagsabi sa akin na isa siyang ac-dc o closet queen na ayaw magpahalatang bading.

Ayokong maniwala pero naguguluhan ako. Nilakasan ko ang loob ko na tanungin siya. Umamin siya sa akin.

Hindi ko maintindihan ang naging reaksyon ko. Mahal ko kasi siya at tanggap ko sa sarili ko na kahit ganun siya, mamahalin ko siya.

Sabi niya sa akin, kung hindi ko kayang tanggapin kung sino siya, malaya akong makipag-break. Lalo tuloy akong nagugu­l­­u­han.

Ano ang gagawin ko?

Leslie

Dear Leslie,

Maaaring sa ngayon ay puwede mo siyang tanggapin. Pero papaano kung matagal na kayong nagsasama at magdulot ng conflict sa inyong  relasyon ang kanyang sekswalidad?

Papaano kung sa panahong nagsasama kayo ay manlalaki siya, kaya mo ba itong tang­gapin?

Pero it is your choice, Leslie. Buhay mo iyan at lahat tayo’y malayang patakbuhin ang sari-sarili nating buhay.

Dr. Love

ANO

AYOKONG

BUHAY

DEAR LESLIE

DR. LOVE

KASO

LESLIE

MAAARING

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with