^

Dr. Love

Ipinilit na pananagutan

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Gusto ko na po magsisi sa ginawang pang­­­hihimasok ng aking mga magulang sa prob­lema ko sa lalaking minahal ko at pinagsanlaan ng aking puri.

Namagitan po ang aking mga magulang nang malamang ayaw panagutan ni Mon ang ipinagbubuntis ko. Lumuwas sila at hinanap ang mga magulang niya at inihatid ako sa kanilang tahanan sa Makati.

Ukupado ko po ang kuwarto ni Mon, na umuwi at dili. Dr. Love, kung hindi lang po sa kahihiyan ng aking pamilya, plano kong balikatin mag-isa ang pagpapalaki sa baby dahil ayaw ko na po manatili sa pamilya ni Mon.

Nararamdaman ko po na nawawalan na ako ng amor sa kanya dahil nakikita ko ang pagkaeresponsable niya. Magulo ang pamilya niya at dahil kapos sa pinansiyal, ito ang madalas na pinag-uugatan ng pagtatalo ng mga kapatid niyang nakapisan pa rin sa magulang dahil walang trabaho. Tanging pensiyon lang ng mga magulang ang tumatawid sa pangangailangan nilang lahat.

Wala man lang planong sinasabi sa akin si Mon kung ano na ang lagay ng aming relasyon at mistulang tau-tauhan lang ako sa bahay nila. Sa palagay po ba ninyo, tama ang gagawin kong pag-alis para hindi na makadagdag pa sa problema ng pamilya ni Mon? Sa palagay ko, hindi ako tatagal sa ganitong sitwasyon.

Payuhan mo po ako at hangad ko ang pa­tuloy ninyong tagumpay.

Lubos na gumagalang,

Alicia

Dear Alicia,

Maghintay ka pa ng ilang panahon at bigyan ng sapat na pagkakataon si Mon na makilala ang kanyang obligasyon sa iyo at sa isisilang mong sanggol. Malay mo, sa sandaling makita na niya ang kanyang baby, magbago siya ng disposisyon sa buhay.

Pero kung wala pa rin, saka ka magde­­­sis­yon. Sikapin mo na mapaunawa ang tungkol dito, una sa iyong mga magulang at pangalawa sa mga magulang ni Mon. Bawat isa sa atin ay may karapatang pumili sa buhay na gusto natin. Kung hindi ka na masaya sa mga nangyayari, hindi ito makakabuti sa magiging kalagayan mo lalo na sa sandaling magsilang ka na ng sanggol. Tutal hindi naman kayo kasal at malinaw naman sa lahat na hindi gustong panagutan ni Mon ang mga nangyari sa inyo.

Dr. Love

ALICIA

BAWAT

DEAR ALICIA

DR. LOVE

LUBOS

MAGULANG

MON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with