^

Dr. Love

Mapaglaro

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Hi and Hello. Hope you’re in the best shape sa pagtanggap mo nitong aking sulat.

Tawagin mo na lang akong Medel, isang dalagang-ina. Single parent ako dahil sa kalokohan ko nung bata pa ako. Nasa 37 anyos na ako ngayon at noong araw, hindi ako seryoso sa pag-ibig at masyado akong liberated. 

Tatlo ang kasintahan ko noon at hindi ko alam kung sino sa kanila ang ama ng anak ko ngayon na 9 years old na.

Matagal ko nang pinagsisihan ang aking ka­salanan pero parang pakiramdam ko ay marumi ang tingin sa akin ng tao.

Hindi ko rin matiyak kung ang mga lumiligaw sa akin ngayon ay seryoso o ibig lang akong paglaruan.

May isa sana akong napupusuan. Sinasabi niya na walang halaga sa kanya ang madilim kong kahapon pero nag-aalangan akong sagutin siya. Kung makikipag-boyfriend ako, gusto ko’y magpakasal dahil ibig kong magbago ang aking buhay. Tulungan mo ako.

Medel

Dear Medel,

Walang masama kung makipag-relasyon kang muli basta’t ito’y seryosohan na.

Madali mo namang masusubukan ang katapatan ng manliligaw mo. Kapag ibig ka niyang angkinin bago kayo makasal, malamang ay iisang bagay lang ang hangad niya.

Pero kung papayag siyang magpakasal sa iyo sa kabila ng iyong kahapon, naniniwala akong tapat siya sa kanyang hangarin. Kausapin mo siyang mabuti tungkol sa bagay na ito.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AKONG

DEAR MEDEL

DR. LOVE

HI AND HELLO

KAPAG

KAUSAPIN

MADALI

MATAGAL

MEDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with