^

Dr. Love

Gusto nang makalimot

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Nais kitang batiin ng isang mapayapa at magandang araw. Tawagin mo na lang akong Brando. Magmula nang iwanan ako ng asawa ko para sumama sa ibang lalaki ay nawasak na ang buhay ko.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Tatlong taon kaming nagsama ng maligaya at nagkaroon ng isang anak na dalawang taong gulang na ngayon. Kasama niya ang aming anak nang layasan ako.

Sa kabila ng mga pangyayari ay mahal ko siya. Kung babalik siya sa akin at hihingi ng tawad ay handa ko siyang patawarin.

Pero ang huling balita ko ay nasa Min­danao na siya kasama ang kanyang lalaki at ang aming­ anak.

Walang direksyon ang aking buhay at nilulunod ko na lang sa alak ang aking sarili para makalimot. Pero kapag nawala ang espiritu ng alak ay siya pa rin ang laman ng isip ko.

Ano ang gagawin ko?

Brando

Dear Brando,

Gaano man kasakit ang naranasan natin ay hindi natatapos ang mundo sa pag-ikot. Sa ginagawa mong paglalasing, magkakamit ka ba ng kapayapaan? Hindi.

Move on Brando. Mahirap lumimot lalo na kung ayaw mong gawin ito. Pero bakit mo naman sasayangin ang mga taon sa buhay mo sa isang babaeng taksil?

Move on at babaguhin ng Diyos ang buhay mo kung mananalig ka sa Kanya.

Dr. Love

ANO

BRANDO

DEAR BRANDO

DIYOS

DR. LOVE

GAANO

KANYA

KASAMA

MAGMULA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with